ILANG buwan lamang ang nakalipas simula noong sinagip sila ni Abrasado. Abg taong napakahalaga sa kanilang buhay. Ngunit heto at muli na namang nawala ang isa pang mahalaga sa buhay niya. Si Jonas Ruiz. Sila ang magkakaibigan na higit pa roon ang turingan.
Dahil militar naman silang lahat ay nabigyan ito ng full militar decent funeral with gun salutes.
"Hindi ka ba sasabay sa amin sa pag-uwi, Captain Aguillar?" tinig ng boss nila o si General Valdemor.
"No, General. Alam kong hindi na niya ako maririnig pero gusto ko muna siyang makausap, Sir," tugon niya.
"Okay, Captain Aguillar. Bibilinan ko ang ilan sa mga tauhan mo at maiiwan sila upang may makasama ka. Step by step, you can do it. All of us need to move forward," muli ay sabi nito.
Ngunit dahil nakatungo siya ay hindi na niya nakita ang pasimpleng pagbilin nito sa mga tauhan niya. Kabastusan man siguro ngunit hindi nga siya sumagot sa huling tinuran ng heneral.
Then...
"Sabihin n'yo na ang lahat ng gusto n'yong sabihin sa akin mga Pare. Dahil hindi ako magpapapigil. God will forgive me and probably understand my decisions. Ngunit kailangan ko kayong iganti sa sunod-sunod ninyong pagkawala. Tama ang lahat, mayroong rason kung bakit ako ang naiwan dito sa lupa. Ngunit napakasakit at mahirap tanggapin. Kaya't gagawin ko ang lahat upang magbayad ang mga taong nasa likod ng kamatayan ninyo!"
Hindi man bulong ang pagkasabi niya ngunit sapat na upang marinig ng maaring nasa tabi. Ngunit wala siyang pakialam. Dahil siya ang taong kayang paninindigan ang mga salitang binitiwan. Tatayo na nga sana siya at akmang sisindihan ang kandila para sa nga kaibigan. Subalit naramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
'D*mn you, people! Huwag na huwag n'yo akong susubukan ngayon. Mainit ang ulo ko. Wala sa inyong makaligtas sa aking galit!'
Ngitngit niya kasabay sa pagkapa sa baril sa likuran. Lihim din siyang nagmasid. Ngunit nakahinga siya ng maluwag ng lumipas ang ilang minuto ngunit nanatiling tahimik ang paligid.
SAMANTALA lihim na sinubaybayan ni Sherwin ang Sablay nilang kaibigan. Kaya't dinig na dinig niya ang lahat ng mga salitang binitiwan nito.
Oo! Buhay na buhay siya. Ngunit ang matalik nilang kaibigan naman ang ihinatid nila ng tuluyan sa huling hantungan.
Dahil sa tulong ng mga mahiwagang paru-paru ay nabuhay siya. At dahil din sa kapangyarihan ng mga ito ay malaya siyang nakapagmasid sa mga taong gustong subaybayan kabilang na roon ang kapwa military Captain. Nang dahil sa mahiwagang kuwentas ay naging invisible siya sa imahe ng mga tao. Subalit siya ay nakikita at naririnig ang lahat.
'Hang on a little bit, Sablay. Alam kong hindi makatarungan ang hindi ko pagpapalita sa ngayon. Ngunit sigurado akong mauunawaan mo rin ako balang-araw. Stay humble as you are, Parekoy,' bulong niya.
Hinintay din naman niya itong nakaalis bago nagtungo sa lugar kung saan niya makikita ang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
MAKALIPAS ng ilang araw. Pumasok sa trabaho si Artemeo Aguillar sa Camp Villamor Baguio City
"Sir General, alam kong against the law of protocol. Ngunit isusuko ko ang aking chapa patunay lamang na legal ang aking pag-alis. Subalit itong baril ko ay hayaan mo sanang manatili sa akin. Dahil gagamitin ko ito sa aking panibagong misyon.
Tama, mga military tayo, mga public servants at higit sa lahat ay isinilang tayo upang maglingkod sa bayan. Ngunit ang pagkamatay ng dalawa kong kaibigan ay ibang usapan. HUSTISIYA ang nais ko para sa kanila. Subalit kailanman ay hindi ko iyan makakamit kung unipormado ako. Kaya't payagan mo na ako, Sir. And if I'll succeed, I will come back triumphantly. But if not, just think that I was with my friends already."
Mahaba-habang pahayag ni Artemeo sa harapan mismo ng General. Subalit ss isipan niya ay pumayag man ito o hindi ay aalis siya.
"Go ahead, Captain Aguillar. You have ny full blessing. Maaring nagparamdam ito kina Mr Calvin and his friends. Dahil kinausap nila akong payagan ka kung sakali man. Ngunit nais kong ipaalam sa iyo na pinapayagan kita hindi dahil sa utos nila kundi dahil bilang isang General.
Wala kang isusurender, Captain Aguillar. Dalhin mo ang iyong chapa at baril. Dahil ang labas ay nasa misyon ka. Isa kang alagad ng batas kaya't hindi ko na sasabihin o ihahabilin kung ano ang gagawin mo. Do it on your own. But when the time will come and you will need help, don't hesitate to contact us here in Camp Villamor."
Nagpahabaan man sila ng pahayag ay hindi iyon inalintana ng heneral. Dahil kahit siya ay gustong mabigyan ng hustisiya ang bawat nalalagas na tauhan. Lalong-lalo ang untimely death.
Dahil sa narinig ay walang sinayang na oras si Artemeo. Kasabay nang pagdampot muli sa kaniyang chapa ay sumaludo siya. At nang tinugon na siya ng heneral ay hindi na nga siya nagsayang ng sandali.
PALAKAD-LAKAD sa kalsada. Ginawa ang lahat upang walang makakilala sa kaniya. Gutay-gutay ang kasuutan at kulang na lamang ay mamalimos ng ikabubuhay.
"Boss! Saglit lang! Napuruhan ko yata. Huh! Gag*ng iyon eh! Bakit ba kasi biglang tumawid?!" Sa pag-alak ni Baldo sa preno ng sasakyang minamaneho ay nauntog ang among si General Valderama.
"Ano ba, Baldo! Sabihin mo lang kung tinatamad ka ng magtrabaho sa akin at kumuha ako sa mga kasamahan mo!" sigaw tuloy nito sa kaniya.
Ngunit dahil siya ang nagkamali ay hindi na siya sumagot bagkus ay humingi siya ng paumanhin.
"Teka lang, Baldo. Ang sabi mo ay may nabundol ka---Ano pa ang ginagawa mo? Bilisan mo! Bumaba ka at pulsuhan mo siya. Move, Baldo!" malakas pa nitong sabi.
Ang amo niyang heneral na nagmistulang hindi opisyal. Sala sa init at sa lamig. Ganoon pa man ay hindi siya nagsayang ng oras. Dali-dali niyang binuksan ang car door at bumaba upang alamin ang kalagayan ng nabundol.
"Boss! Boss---"
"Ano ba?! Hindi ako bingi, Baldo! Kanina ka pa sigaw nang sigaw ah. Kumusta ang kalagayan niya?" Pamumutol at sigaw ni General Valderama sa right hand man niya.
Siya ang nabibingi sa boses nito. Kung hindi nga lang mapagkatiwalaan at maaasahan sa anumang oras ay matagal na niya itong sinibak.
"Wala naman siyang gasgas, boss. Baka natakot lamang kaya't nahimatay," tugon nito.
"Badong, tulungan mo si Baldo bago muling kumidlat. Kailangang madala sa pagamutan ang taong iyan----"
"Huwag po! Huwag n'yo po akong saktan. Parang-awa n'yo na po. Wala po akong matutuluyan."
Pagmamakaawa ng taong-grasa na napahalukipkip sa sulok. Kulang na lamamg ay pagkasyahin ang sarili sa pagitan ng gulong.
Wow! Aguillar! Level up ka na!
Hindi ka lang pala isang magiting na military captain kundi magaling pang artista!
Dahil sa inasta ng taong grasa at napantastikuhan sina Baldo at Badong. Kaya naman imbes na tulungan ito ay muli silang humarap sa amo nila.
"Mukhang may saltik man ang taong ito, boss. Nagmamakaawang huwag daw saktan at hayaan na lamang ito dahil walang ibang matuluyan," pahayag ni Baldo.
Ang heneral na bipolar ay mukhang may atay at balumbalunan!
"Kung wala siyang matuluyan ay isakay n'yo na siya. Malay natin, baka o kalabaw na nagkakalat ng tae sa kalsada ay mapakinabangan matin siya sa ibang araw. At isa pa kahit nga ganito tayo ay maging cargo de-konsensiya pa natin siya," anito.
Kaso dahil hindi naman sanay ang dalawa na naaawa ang boss nila sa mga kagawang-gawa ay nagkatinginan sila. Isang ruthless general ang boss nila.
Kaso!
"Ano ba kayong dalawa?! Aba'y ang sabi ko ay tulungan n'yo siyang isakay dito sa loob. Hindi ko sinabing magkatinginan kayo riyan! Bilisan ninyo!" sigaw nito sa kanila.
Kaso talagang hindi nakatiis si Badong at isinatinig ang nasa isipan.
"Ah, Boss, mawalang-galang muna, bossing, kailan pa tayo naging good Samarithan?" tanong niya.
"Ngayon lang, Badong! Maging Lucifer at ruthless ulit ako oras na ayaw ninyong tumalima riyan! Kapag mangyari iyon ay kayo ang unang-una kong papatayin!" malakas nitong sabi.
Dahil sa pag-aalalang totohanin nito ang binitiwang salita ay wala ng nagawa ang dalawa kundi ang sundin ito. Alam naman nilang hindi nito gagawin ang patayin sila. Ngunit dahil sa tono ng boses nito ay wala na silang nagawa kundi ang sundin ito.
"Toy, halika na sa sasakyan. Ang sabi ng boss namin ay isama ka namin," saad ni Badong.
"B-bakit po? Wala naman po akong kasalanan sa inyo. Ano po ang gagawin ninyo?" patanong nitong sagot at mas isiniksik ang sarili sa ilaim ng gulong.
Kaso dahil hindi mahintay ng opisyal ang mga tauhan ay siya na mismo ang bumaba ay lumapit sa mga ito.
"Hijo, ano pala ang pangalan mo? Huwag kang mag-alala. Dahil hindi kami nangangain ng tao," aniya.
"Romeo Sablay po," tugon nito.
'Tang*na! Ah, bakit ba iyon ang nasabi ko?' Ngitngit naman ng taong-grasa.
Kaso sa narinig na pangalan ay napahagalpak sa pagtawa sina Baldo at Badong. Subalit kaagad ding natahimik dahil sinawata sila ng boss.
"Ah, Romeo, ano'ng ginagawa mo rito? Daan ito papuntang sementeryo ah. Ilang taon ka na ba?" sunod-sunod na tanong ng opisyal.
Ano ba iyan!
"Opo, Sir. Dinalaw ko po ang kaibigan ko. At twenty-eight na rin ako," tugon ni
"Okay, halika na sa loob, Romeo. Sa loob na lang natin ipagpatuloy ang ating kuwentuhan?" Muli ay paanyaya ng heneral.
Ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa taong naghahanap ng hustisiya?