CHAPTER FIVE

2343 Words
SAGLIT na nakalimutan ni Artemeo ang kalungkutang nadarama nang makausap niya ang pakner niyang si Surene. Kahit kailan talaga ay pilya ito. Akalain mo ba namang pagselosan ang kapatid ni Sherwin na nagkataong inakasagot sa tawag nito. 'HEY, AGUILLAR! ISANG BUWAN PA LANG AKO RITO AY IPINAGPALIT MO NA AKO! ABAH, KUNG GANYAN LANG DIN NAMAN AY PAPAYAG NA AKONG PAPAKASAL SA PONCIO PILATONG KASOSYO NI PAPA SA NEGOSYO. ALAM MO BANG EXCITED AKONG IBALITA SA IYO NA LAYAS QUEEN MUNA AKO INSTEAD OF CLUMSY QUEEN? PERO HINDI KO NA ITUTULOY. DAHIL MAGPAPAKASAL NA AKO SA HERODES NA IYON. TOTAL IPINAGPALIT MO NA AKO!' Sigaw nito sa telepono. Ngunit marahil ay kinakausap ng Yaya dahil bahagya itong nawala sa linya. 'Pilya rin ang Clumsy Queen na iyon. Huh! Hindi na nawala ang pagkabungangera," aniya sa kaniyang isipan. Kaso! "Kuya, minumulto ka ba ni Kuya Sherwin? Kasi po ay nakangiti kang mag-isa." Tinig na naging dahilan ng pagkahulog sa duyan! BLAG!!!! Sapo ang kaniyang balakang ay humarap siya sa dalagitang naiwan sa kaniyang pangangalaga. Si Andy o ang kapatid ng best buddy niyang si Sherwin. Nais man niyang itago ang sakit na nanunuot sa kaniyang katawan ay hindi niya napagtagumpayan. Ganoon pa man ay umayos siya. Kaso kung kailan niya nahamig ang sarili upang sumagot ay naunahan naman siya nito. "Kuya Art, ang sabi ko ay bakit ka tumatawang mag-isa? Ah, ngayon naman ay mukhang namamaligno ka," anitong nakapamaywang. "Andy, halika rito sa tabi ng Kuya. Dahil mayroon tayong pag-uusapan," sabi niya saka bahagyang tinapik-tapik ang katabing duyan. Hindi naman siya nabigo. Dahil naupo ito sa tabi niya. "Ano ang pag-uusapan natin, Kuya?" agad nitong tanong na hindi maikaila ang kalungkutan. "Andy, ikaw ang inaalala ko. Ang sabi ni inay ay hindi ka raw kumakain kapag walang tumatawang sa iyo. Lagi ka raw nagkukulong. Ilang buwan na ang nakalipas, Andy. Alam ko, walang ibang nakakaunawa sa iyo kundi kaming nakapaligid sa iyo. Dapat ay mag-adjust na tayong lahat. Dahil hindi matutuwa ang Kuya mo sa nangyayari sa ating lahat. Nakabakasyon kami ng Kuya Jonas mo, Andy. Kung gusto mo ay gamitin natin ang perang naiwan ng Kuya Sherwin mo upang ipaayos natin ang iyong mukha. Kako mas mabuti na iyon upang makakilos ka ng maayos at malaya. Plastic surgery ang nais kong tukuyin, Andy. Aminin man natin o hindi ay marami ja pang susuunging pagsubok. Kaya't mas mabuti na ang maging advance. At kung papayag ka ay maipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral pagkatapos ng surgery." Hiningal ako, Sablay! Saglit lang! Ngunit sa tinuran niyang iyon ay hindi nalingid sa kaniya ang pananahimik nito. Subalit hindi pa roon nagtapos. Humagulhol ito saka yumakap sa kaniya. "Tahan na, Andy. Kahit nawala ang Kuya Sherwin mo ay nandito pa kaming lahat. Ako, si Jonas, ang Ate Cora mo, sina Nanay at Tatay. Bukas na bukas ay sasamahan ka namin sa doctor. Upang maihanda ang kakailanganin mo. Para rin sa iyong kaligtasan ang iniisip namin, Andy. Sa paraang ito ay mailigaw natin pansamantala ang mga gumawa nito sa pamilya ninyo," aniya habang hinahaplos-haplos ang likuran nito. Hindi man ito agad-agad sumagot. Dahil na rin sa emosyun. Hinamig ang sarili bago tumingala sa kaniya at nagwika. "Tama ka, Kuya. Alam kong para ito sa kaligtasan at kinabukasan ko. Kaya't walang rason upang umayaw ako sa usaping surgery. At ngayon pa lamang ay labis-labis na ang pasasalamat ko sa iyo," anito. "Wala kang dapat na ipagpasalamat, Andy. Dahil pamilya tayo. Walang ibang magtutulungan kundi tayo," sagot niya. Hindi na ito muling nagwika. Ngunit muli itong yumakap sa kaniya. 'Pare, nakikita mo ba kami ng kapatid natin? Pakisabi kay BOSSING na patnubayan kaming lahat dito sa lupa. Dahil SIYA na lang ang tangi naming pag-asa upang mabigyan ng hustisiya ang nangyari sa pamilya ninyo.' Pasimple siyang tumingala sa kailangitan. Dahil sigurado naman siyang nakadungaw mula sa langit ang kaibigan at si BOSSING. LUMIPAS pa ang mga araw. Dahil healthy naman ang dalagitang si Andy Abrasado ay walang naging hadlang para sa surgery nito. Kagaya nang ipinangako ng magkaibigang Jonas at Artemeo ay sila ang naging kamay at paa ni Andy. Hindi nila ito pinabayaan. Buong pamilya nila ay labis-labis ang pagdarasal para sa matagumpay na operasyon. "Kumusta na siya, Doctor?" salubong na tanong ng magkaibigan sa doctor na lumabas mula sa operating room. "Congratulations, gentlemen. Nasa mabuti na siyang kalagayan. She pulled it through, guys. Kaya't maari na kayong makahinga ng maayos. By the way, babalik na ako sa loob upang mabilinan ko ang mga nurses na ilipat siya sa recovery room. It's up to you if you'll take a private room or in the ward. Major surgery ito kaya't kailangan niyang manatili rito ng ilang araw," nakangiti nitong paliwanag. "Private room, Doctor. Mas mabuti na ang magsigurado," tugon ni Artemeo. "Okay, Hijo. Maiwan ko muna kayong dalawa," anitong muli bago bumalik sa loob ng operating. Ilang araw na lamang ay babalik na silang magkaibigan sa trabaho. Dahil matatapos na ang kanilang bakasyon. Kaya't kailangan nilang ayusin ang lahat-lahat. Dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya at pera ay walang naging aberya sa pagbabago ng katauhan ni Andy. Mula sa original na pangalan o Andy Abrasado ay naging Kimberly Aguilar. Ito ang bunsong anak ng mag-asawang Gorya at Ruben. ISANG araw habang nag-uusap ang magkaibigang Jonas at Artemeo. "Pare, sing-along tayo mamayang gabi. Get together na rin natin ng mga batches natin dito. Baka isipin pa nilang hindi natin sila kilala dahil sa ibang lugar tayo nagtatrabaho," saad ng una. "Bet na bet ko iyan, Pare. Matagal-tagal na rin ang huli nating kantahan. At isa nakita ko si Mando noong isang araw at nangumusta. Kahit si Efren kaninang umaga. Kaya't gusto ko iyan, Pare," tugon ni Artemeo. "Oo, Pare. Lalo at ilang araw na lamang ang nalalabi sa bakasyon natin." Muli ay pagsegunda ni Jonas. "Pero alam mo ba ang iniisip ko ngayong nabanggit mo ang tungkol sa sing-along, Pare? Si Surene. Dahil sigurado akong bibirit iyon kapag nandito---" Kaso hindi natapos ni Artemeo ang pananalita dahil napahalakhak ang kaharap o ang kaibigan. Kaya naman ay napatingin siya rito. "Aba'y ano'ng nakakatawa sa sinasabi ko, Ruiz? Susme, baka naman kabagin ka sa lagay na iyan?" taas-kilay niyang tanong. Tsk! Tsk! Kay sarap-sarap nitong batukan eh! Wala namang nakakatawa sa pahayag niya. Aba'y basta na lamang itong napahagalpak eh! Samantalang pilit hinamig ni Jonas ang sarili. Dahil kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ng kaibigan. Kay sarap nga nitong asar-asarin eh. "Pare, matanong nga kita kasi sa tuwing binabanggit mo si Boromeo ay iba ang kislap ng iyong mga mata. Hindi lang iyon, first name basis pa kayong dalawa. Kayo na ba?" mapanuksong niyang tanong. Well, wala namang masama kung magkaigihan ang dalawa. Dahil kapwa single. Matched made in heaven pa nga ang tawag nila ng yumao nilang kaibigan. Dahil talagang literal na sablay ang kaharap at lampa naman amg partner nito. "Heh! Ayan ka na namang, Ruiz ka. Magkaibigan kami at partner sa trabaho. Wala ng iba, Pare," pabiro nitong singhal sa kaniya. Kaso tinawanan lamang niya ito. Lalaki siya at hindi inosente sa usaping love life. Sa katunayan ay mayroon siyang naging nobya. Tanging ito lamang ang wala. Dahil sila ni Sherwin ay mayroon. Ganoon pa man ay hindi na niya iyon pinatulan pa. Dahil sa katunayan ay umaasa siyang magkaroon ng buhay ang nasa isipan o ang maging relasyon ng lampa at sablay. KINAGABIHAN kagaya ng kanilang pinag-usapan ay naipon silang magkakaibigan, classmates mula elementary at high school. May asawa man o wala ay sinabihan nila. Dahil sa katunayan ay silang dalawa lang ang pinalad na nakapasa at pumasok sa PMA noon. Nagmistulang instant reunion ang kinalabasan. Sunod-sunod na rin ang pagdating ng mga ito. Ang nahuli ay ang taga-kabilang Barangay. Ganoon pa man ay nagpatuloy sila. Kahit nga ang pinsan niyang kaklase ay dumating. "Long time no see, Pare. Aba'y ang pinsan at kumpare kong military Captain ay himalang nagtagal dito sa Mt Province." Masaya itong nakipag-beso-beso sa kanila. "Alam namin ang dahilan mga Pare. Pero huwag na nating pag-usapan iyan upang hindi masira ang ihinanda ninyong kantahan," sabad pa ng isa. Iyon nga ang malaki nilang pasasalamat. Dahil kahit papaano ay iniisip din nila ang pakiramdam nilang magkaibigan. Kaso! "Pareng Teryo, alam mo namang madalang kaming mapadpad dito ni pareng Sablay dito. Kaya't let's be happy with sing along and jaming," sabad ni Jonas saka mabilis na nagtago sa likuran ng iba nilang kaklase. Tuloy! Umugong ang kanilang tawanan! "Tado! Ayusin mo na lang ang wire ng videoke. Aba'y kanina pa garalgal ang tunog eh," pakamot-kamot sa ulo na wika ni Sablay. Aba'y ang kaibigan niyang basta na lamang siyang tinawag-tawag na sablay sa harapan ng kanilang kaklase. Wala namang problema roon dahil talagang may pagkasablay siya. Iyon na nga! Habang tatagal ang kanilang inuman with singalong ay mas nag-eenjoy silang lahat. Hanggang sa naisipan nilang ipasa ang micropono sa host o si Sablay Dulay. "Ikaw naman, Pareng Artemeo. Share your talent," saad ng Zandro o ang pinsan ng masungit nating military Captain. "Tama nga naman si pareng Zandro, Pareng Artemeo. Ikaw nga itong pinagpala sa boses eh." Panggagatong pa ng isa. "Dalian mo na, Pare. Huwag mong ipagkait ang iyong talento." Ayaw ding papatalo ni Jonas. Dahil talaga namang kahit ihanay sa mga professional singers ang kaibigan ay may K ito. Kaya naman ang puro pass sa micropono ay wala na ring nagawa kundi ang tanggapin ito. HABANG kumakanta ang kaibigan ay hindi maunawaan ni Jonas ang sarili. Kinikilabutan siya sa bawat lyrics ng kanta nito. 'F*ck! Why I'm feeling like these? Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin ng Sablay na ito ay bakit ngayon lang ako tinutubuan ng balahibo?' Pipi niyang mura. Subalit dahil ayaw niyang masira ang masaya nilang gabi ay pilit niyang sinarili ang bumabagabag sa kaniya. Kaso kahit ano man ang gawin niya ay nandoon pa rin ang pakiramdam niyangau kakaibang nangyayari. "Pareng Jonas, kanina pa kita napapansin ah. Mukhang hindi ka mapakali? May problema ba?" pabulong na tanong ni Zandro. "Huh, huwag mo na lang akong pagtuunan ng pansin, Pare. Kung kailan may bonding tayo ay saka naman umatake ang sakit ng tiyan ko." Pagsisinungaling na lamang niya Laking pasasalamat niya dahil mukha naman itong naniwala. Akala nga niya ay mag-uusisa pa ito. 'Ano ba itong nangyayari sa akin? Langya naman eh! Lord of mercy. Help me, God. I hope that these feelings are just nothing, not a disaster,' pipi niyang sambit. Dahil habang papatapos ang awit ng mahal niyang kaibigan ay mas hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. WHAT a wonderful night for them. Kahit minsanan lamang sila magkikita kita ay sulit naman. At tuluyan na nga nilang hindi napansin ang pag-iiba ng timpla ng pakiramdam ni Jonas. Sinulit nila ang mga nalalabing araw nila sa bakasyon at nawala na rin sa isipan ni Jonas ang ipagtapat kay Artemeo ang kabang lumukob sa kaniya ng gabing iyon. MAKALIPAS ng ilang araw. Tuluyan na ngang bumalik sa trabaho ang magkaibigang Jonas at Artemeo. "Captain Artemeo Aguillar, reporting, Sir!" "Captain Jonas Ruiz, reporting, Sir!" Sabayang nagbigay pugay ang dalawang magiting na military captains! "Carry on, men. Welcome back on board both of you. Maupo kayong dalawa dahil may pag-uusapan tayo," tugon ng General. Kaya naman ay naupo ang magkaibigan. Then... "Aguillar, Ruiz, mamayang gabi na ang entrapment natin sa Sagada. Ikaw at mga tauhan mo, Captain Aguillar ay sa right part. Samantalang kayo ng grupo mo, Captain Ruiz ay sa West part. Dahil ang magiging snipers at kakalat sa buong paligid ay ang team ni Regalado(Calvin. Alam na ninyo ang law of protocol kaya't hindi ko na uulit-ulitin pa. Nagkakaunawaan ba tayo, guys?" Pinaglipat-lipat ng heneral ang paningin sa magkaibigan. "Yes, Sir!" sagot ng magkaibigan. KINAGABIHAN bago kalat ang dilim ay nakapuwesto at nakahanda na silang lahat. 'BOSSING, ikaw na po ang bahala sa aking lakad. Huwag mo sanang ipahintulot na naghari ang kasamaan.' Militar siya at isinilang na kahit ano mang oras ay magsasauli ng buhay. Ngunit palihim pa rin siyang nagdarasal sa tuwing may entrapment sila. Wala namang masama sa magdasal bago lulusob sa giyera! Then... Naging alerto siya ng makarinig ng putukan! Huli na nang napansing pumasok na sa loob ang Kuya Roy niya. Kaya't nagmadali siyang sumunod dito. Nang dahil sa mga snipers ng kampo ay wala ring nagawa ang mga kawatan. Iyon nga lang ay lumaban ang mga ito hanggang sa huli. "Aguillar, be my watch out here, okay? That bastard let his feelings defeat him," dinig niyang sabi sa kaniya ni Officer Cameron. "Go ahead, Sir. Be careful," tugon niyang hindi na pinagkaabalahang lingunin ang kausap. MAKARAAN ng ilang mga sandali ay unti-unti na ring humupa ang kanina ay mainit na putukan. Tanda lamang na malapit ng magtagumpay ang kanilang grupo. Iikot na nga sana siya nang biglang may nagpaputok at laking gulat niya nang basta humandusay sa harapan niya ang kaibigang si Jonas. Kaya naman ay pansamantala niyang nakalimutan ang paborito nilang linya. The law of protocol. Napasigaw siya! "RUIZ! PARENG JONAS!" kulang ang malakas upang ilarawan ang boses niya sa pagkakataong iyon. Lalong-lalo na nang tumalsik sa kaniya ang dugo nito. "Tang*na ninyo! Talagang makipag-ubusan kayo ng lahi ah! D@mn you!" aniyang muli. Tama, sinalo na naman nito ang bala na dapat ay sa kaniya. "D@mn you all! Die and live well with your boss, Lucifer!" sigaw niyang muli saka sunod-sunod ang paghagis ng granada! Then, bumaling at lumapit siya sa kaibigang nakahandusay. "Hold on, Pare. Dadalhin ka namin sa pagamutan. Nasa himpapawid ang chopper na sinakyan ni General Valdemor," aniya saka akmang tutulungan itong makatayo. Subalit naging maagap itong tumanggi. "P-pare, h-huwag na. Alam kong hindi na ako magtatagal. Magpakatatag ka, Pare. Congratulations, the operation was successfully done. Ito na ang pagkakataon mong malaman kung sinu-sinu ang nasa likod ng kasawian ng buddy-buddy nating si Sherwin. Mag-ingat ka, Pare, sa paghihiganti mo para sa aming pareng Sherwin," pautal-utal nitong sabi sa kaniya. Kaso! "HINDI! Wake up, Ruiz!!!" At iyon naman ang eksenang nadatnan ni General Valdemor. Ang tanong, sa pagkawalang muli ng isa pang kaibigan ni Captain Artemeo Aguillar, paano siya makakausad sa buhay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD