MASAKIT man ang basta iwanan ang taong nagsakripisyo para sa iyong buhay ay kinailangang umalis nina Jonas at Artemeo. Kitang-kita nila kong paano ito bumagsak. Subalit nasa labi pa rin sa bibig nito ang salitang "UMALIS NA
KAYO".
Nang makalayo sila kunti sa pinangyarihan ng krimen ay agad silang tumawag ng back up sa heneral.
"Sir, kailangan po namin ang tulong. Inambos po kami nang pauwi kami matapos naming ihatid sa airport si Boromeo. Dito sa Barangay di Matanao Sittio De Makita. Okay po, Sir. Tell them make it faster. Aba'y baka hindi na po maabutan pa si Sherwin. Salamat po," pahayag ni Jonas sa kanilang superior na nasa kabilang linya.
Makaraan nga ng ilang sandali ay dumating ang back up nila. At agad silang nag-secure sa buong paligid.
"F*ck!" Napamura si Artemeo nang nakita ang kalunos-lunos na kaibigan nila!"
"Pare, utang namin ni Pareng Art sa iyo ang aming buhay. Pare, sumalangit nawa ang kaluluwa mo." Sumaludo si Jonas sa kaibigan kahit pa halos hindi makatingin dito.
As the days goes on!
It's been a month since the sudden death of their friend and buddy captain Sherwin Abrasado. Pero hindi pa rin makapag-move on ang magkaibigang Jonas at Artemeo.
"Sir Jonas Sir Artemeo pinapatawag kayo ni General." Tinig na pumukaw sa naglalakbay nilang diwa.
"Thanks, Sarmiento. Pakisabi susunod na kami," sagot ni Jonas pero tahimik lamang si Artemeo.
"Pareng Art, bakit kaya tayo pinapatawag ni Sir?" tanong ni Jonas sa kaniya na nakatulala.
"Ewan ko, Pare. Ngunit baka may kinalaman sa mga kasong hawak natin. Subalit hindi ko pa kayang magtrabaho, Pare. Ang hirap kalimutan ang mga
pangyayari. Ang saya-saya pa nating naghatid kay pakner nagbiruan. Ngunit walang mag-aakalang iyon na pala ang huling halakhakan nina pareng Sherwin. Ang sakit na tanggapin, Pare. He saved us but he's gone forever."
Hindi maipagkakaila ang kalungkutan sa buhay ng binatang si Captain Artemeo Aguillar dahil sa muling pagkaalala sa yumaong kaibigan.
"Wala ng ibang nakakaunawa sa iyo, Pare, kundi ako. Ngunit sa ngayon ay kailangan mo munang kalmahin ang iyong sarili. Dahil court martial naman ang ating katapat kapag hindi tayo makapag-report kay General samantalang kanina pa tayo ipinatawag," saad na lamang ni Jonas.
Matapos makalma ang sarili ay tumuloy na ang dalawa opisina ng kanilang opisyal at kumatok.
GENERAL'S OFFICE
"Come in," wika ng general nang sila ay kumatok.
Kaya naman ay hindi na sila nagsayang ng oras. Dali-dali silang pumasok at sumaludo.
"Carry on, Captain Aguillar and Captain Ruiz. Have a sit, men," tugon nito.
Makaraanng ilang sandali ay nagsalita ang heneral.
"Alam kong masakit para sa inyo ang pagkawala ng kaibigan ninyo. Oo, masakit na nawala siya pero hindi lamang kayo ang nasasaktan, matagal ko na kayong kasama sa ating departamento at kilala ko na ang bawat isa sa inyo. You treated each other more than a friend. Nasasaktan din ako bilang opisyal ninyo sa pagkawala niya parang nabalian ako ng pakpak. Hindi lamang iyon nahihirapan din akong nakikita ang mga anak kong nagdudurusa. Nandito nga kayo sa kampo ngunit wala kayo sa inyong sarili. Napansin ko iyan sa loon ng isang buwan.
Si Annabelle nga ay unti- unti nang nakakamoved-on. Nakikita ko na itong ngumingiti at lumalabas na rin. Ngunit kayong dalawa ay hindi pa rin makapag- move on. Ano ang ba talaga ang plano ninyong dalawa?"
What a long speeches, Sir General!
Samantalang napayuko ang dalawa sa sinabi nang kanilang boss. Dahil totoo naman lahat ang sinabi nito. Ngunit sadyang hindi lang talaga sila makapag move on.
Actually, they mixed their personal feelings with their duties as public servants! Ganoon pa man ay nagpakatotoo silang dalawa.
"Sorry, SirGeneral. Wala akong maidahilan. Ngunit baka naman puweding magleave muna kami at umuwi sa Mt Province baka sakaling pagbalik namin ay ayos na ang lahat," nakatungong sagot
ni Artemeo.
"How about you, Jonas?" Baling ng heneral sa isa pang junior officer na nakatungo at kinakalikot ang botones ng uniporme.
"Kung papayagan n'yo si Aguillar ay payagan n'yo na rin ako, Sir General. Sasabay na lang po ako sa kaniya pauwi total iisa lang naman any uuwian
namin," anitong nakatungo pa rin.
Ngunit bago pa nakapagsalitang muli ang general ay dumating ang isa sa founder ng military Camp at nagwika ito. Maaring narinig ang usapan nila.
"Good idea, Ruiz and Aguillar. Mas magandang magbakasyon muna kayong dalawa. Dont worry dahil wala
tayong masyadong hawak na kaso sa ngayun at hindi masyadong naapektuhan ang trabaho ninyo, " saad ni Roy matapos sumaludo sa heneral.
"So, its appproved, men. You need a break. And when you come back make it sure that you are both in good condition. Good luck, men." Pagtatapos ng opisyal sa usapan.
MATAPOS maayos ng magkaibigan ang dapat nilang ayusin ay dumaan sila sa bahay ni Artemeo upang isara at saka makuha ang ilang gamit. Kagaya rin ni Ruiz, dinaanan din nila ang apartment nito at sinara at nagpaalam sa katiwala.
Naging tahimik ang biyahe nila pero ng nasa kalagitnaan na sila ay binasag ni Jonas ito.
"Pare, tama sila hindi masaya si pareng Sherwikonung ganito ang nangyayari sa atin, ikaw na rin ang nagsabi sa amin ni Pareng Sherwin noon, everything has a reason. So, lets move it on,
pare."
Nakatutok man sa kalsada ang paningin ni Artemeo ay nagawa pa rin niyang naisatinig ang nasa isipan.
Samantalang huminga muna ng malalim si Jonas bago nagsalita.
"Oo, Pare. Siya lang ang nawala. Ngunit ang taong bayan na umaasa sa ating paglilingkod ay buhay pa rin. At isa pa, paano natin maigaganti ang kamatayan niya kung palagi tayong ganito? Tama, Pare, panahon na upang bumangon sa pagkalugmok dahil sa pagpanaw ng kapatid natin," pahayag niya.
MAKALIPAS ng ilang oras nilang biyahe mula sa Baguio hanggang sa Mt Province.
Abalang-abala si Aling Gorya sa pagluluto nang binulabog siya ng nakakabinging busina.
"Santisima kang bata ka! May tawagan ka naman sa pagkakaalam ko. Aba'y kayong dalawa pala kayo. Hah! Bakit ba para kayong mga kabute na basta na lamang sumusulpot?" Hawak-hawak ang sandok ay basta na lamang lumabas ang Ginang nang nakita ang anak at kaibigan nito
"Oh, Pare. Bumata ka na pala? Huh, bata sabi ni Nanay eh." Pang-aasar pa ni Jonas.
Kaso ito naman ang binalingan ng matandang nakapamaywang na nga ay talagang pinanindigang hindi binitiwan ang hawak-hawak na sandok.
"Aba'y, ako ba ang pinagluluko mo, Jonas anak?" anitong talaga namang tinaasan pa ng kilay!
Pero dahil alam naman nilang lambingin ang Ginang ay niyakap ito ni Jonas.
"Si Nanay talaga oo. Bakit ba hindi ka mabiro ngayon, 'Nay? Mas gumanda ka pa naman. Ah, makikikain na rin po ako rito lalo at nangangamoy masarap ang niluluto mo," malambing niyang sambit habang nakayakap dito.
"Alangan namang pauwiin pa kita sa inyo na himdi kumakain samantalang nandito ka na. Iyon nga lang ay sadyang magkaibigan kayo. Aba'y pati ba naman ang basta pagsulpot na parang kabute ay magkaparehas kayo? Susme, magpasalamat kayong dalawa dahil wala akong sakit sa puso," ingos ng matanda.
Mother's love, ika-nga nila!
Then...
"Nasaan pala si Andy, Nanay?" naisipang tanong ni Artemeo nang papasok na silang tatlo.
Sila ang pamilyang nasa middle class. Hindi mayaman ngunit hindi rin pulubi. Subalit dahil sa pagpupursige ng mag-asawang Gorya at Ruben ay maayos ang kanilang buhay. Malaking tulong din simula ng nakapagtapos sa PMA si Artemeo dahil nakapasok sa Camp Villamor sa tulong din ng taong tinulungan nila noong kabataan nito.
May sarili na rin silang palayan. Mayroon ding ipinapasaka sa ibang tao. Kaya't nagpatayo rin sila ng bigasan. At ang supply nito ay nanggagaling mismo sa sakahan nila.
"Nasa silid ng kapatid mo, anak. Laging nagkukulong iyon, anak. Sabi nga ni Cora ay lagi daw umiiyak. Kapag hindi siguro tinatawag kapag oras ng kainan ay himdiiyon kumakain. Nakakaawa sng batang iyon. Ngunit saglit lang, ano ba kasi ang tunay na nangyari?" patanong na pahayag ng Ginag.
"Nanay, huwag mo sanang masamain. Ngunit hanggat maaari ay huwag muna nating pag-usapan si Pareng Sherwin. Pinayagan kami ni General Villamor na magbakasyon upang makausad sa buhay. Kaya't magtutulungan po sana tayong lahat."
Mas mabuti na ang magpakatoto. Kaya't imbes na magpaligoy-ligoy pa ay nagsabi ng totoo si Artemeo sa tunay na dahilan kung bakit basta sila sumulpot sa Mt Province.
"Siya, sige-sige. Kung iyan ang alam ninyong tama ay susuportahan ko kayong dalawa. Pero halina kayo sa kusina at makapananghalian na." Pagsang-ayon na lamang din ni Aling Gorya.
Kaya naman ay sabay-sabay silang nagtungo sa kusina at tinawag ang dalawang dalagita sa ikalawang palapag ng bahay.
ILANG sandali pa ang nakalipas. Nang natapos na ang kanilang lunch. Sumaglit si Artemeo sa kaniyang silid at kinuha ang gitara niya.
"Paano, Pare. Lipat ka minsan sa amin at tagay." Paanyaya ni Jonas sa kaibigan ng nasa tarangkahan na sila.
"Sure, Pare. Ngunit siguraduhin mo lang na fresh ang iihawin mong isda kaysa naman manok," tugon ni Sablay Dulay.
Kaso ang sutil niyang isipan ay nakaisip ng pangganti rito.
"Susme, aba'y hindi mo pa rin makalimutan ang--- Bakit ba ang sungit-sungit mo, Pare? Don't worry, let's enjoy our lives while we are on our vacation," nakatawa niyang sambit saka patakbong tinawid ang pagitan ng bahay nila mula sa kaibigan niyang masungit.
Nang makaalis ang kaibigan niya ay nagtuloy siya sa likuran ng bahay nila sa paborito niyang tambayan. Nang makita niya ang alaga niyang pusa ay minabuting tsinek muna ang duyan baka matulad na naman noon na pinagtripan siya nito.
Pero mukhang walang topak ang pusa agad itong lumapit sa kaniya at pinagdidilahan ang buo niyang mukha.
"Tsk! Tsk! Ano ba, Carla? Oo na miss muna ako. Kaya't tumabi ka na riyan at makaduyan na ako diyan ka sa may paanan ko," aniya sa alagang pusa.
"Meow meow!" tugon naman nito na parang taong nakakaunawa.
"Good girl, Carla. Huwag kang malikot at maggigitara ako kagaya ng ginagawa namin ng mga kaibigan ko kapag nandito kaming lahat. Sumalangit nawa ang kaluluwa ni pare."
(multuhin ka niyan hahahaha). Kaagad namang namaluktot ang pusa sa paanan niya habang siya ay nakahiga sa duyan at nagsimulang tumipa pero ewan ba niya kong bakit sa pagkalabit niya sa gitara ay ang paborito pa nilang magkakaibigan ang natipa. ONE FRIEND By:Dan Seal
MASSACHUSETTS, USA
Dahil sa pamimilit ng mag-asawang Boromeo kay Cynthia o Surene na tumulong na lamang sa negosyo nila
Hindi lang iyon, tinakot pang nila ito na ipakasal sa anak ng kasosyo sa negosyo.
"NO WAY! AS IN NEVER! OVER MY SEXY BODY! Walang simuman sa inyo ang makapilit sa akin na magpakasal sa taong hindi ko kilala at higit sa lahat ay hindi ko mahal!" Kabastusan man ngunit malakas ang boses ni Surene sa oras na iyon.
"Wala kang magagawa, anak. Dahil darating na silang mag-anak mamayang gabi. Kaya't kung ako sa iyo ay maghanda-handa ka na lamang," saad pa ng ama.
"NO WAY, Papa! Kung gusto mo ay ikaw na ang magpakasal sa taong gusto n'yong ipakasal sa akin. Hah! Sa inyo na lahat ang kauamanang iyan. Mas gusto ko pa ang mmuhay ng walang mana at mamuhay kasama ang magiging asawa ko kaysa tuluyang matali sa poncio pilatong napipisil ninyo! Hah! Mas gusto ko pa ang masungit kong partner sa Pilipinas
Kung hindi n'yo lang sana ako pinauwi ay hindi napahamak ang kaibigan nila! Kaya't walang makapilit sa akin!"
Boom, panis!
Nakahinga ka pa, Lampa?
Mangingiyak-iyak na nga siya ay bigla pa siyang sumiplang sa akma niyang pag-akyat. Kung hindi pa siya naagapan ng isang nilalang ay baka tuluyan siyang natumba sa sahig.
"Maraming salamat sa iyong poncio pilatong herodes ka. Ngunit himdi ko ipagpapalit ang Sablay Dulay kong partner. Kaya't kung sino ka man ay maghanap ka na lang iba. Buenas noches!" Wala siyang pakialam kung naunawaanan siya nito o hindi.
Samantalang napatulala naman nag lalaking tumulong kay Cynthia dahil sa narinig mula sa dalaga.
NANG nakapasok na si Surene sa kaniyang silid ay pasalampak na sana siyang mahiga sa king size bed niya. Subalit huli na ng napansing nasa gilid pala. Kaya't imbes na sa higaan dumiretso ay sa sahig na. At iyon naman ang nadatnang senaryo ng mahal niyang Yaya.
"Hindi ka naman lasing sa pagkakaalam ko, anak? Aba'y bakit nandiyan ka sa sahig?" agad nitong tanong ng napansin siyanh nakadipa sa carpeted flo.
"Hah! Kasalanan ng bed na iyan, Yaya! Inis na inis na nga ako kina Mama at Papa dahil sa pamimilit nila sa aking ipakasal sa poncio pilatong herodes ay ihinulog pa ako ng higaan na iyan!" Ngitngit niya
"Anak, abay ano ang kasalanan ng higaan mo? Mag-ingat ka kasi upang hindi ka nahuhulog. Iyan ba ang dahilan at nandito ako kanina pero dinig na dinig ko ang sigaw mo," anitong muli.
Kaso sa narinig ay muling kumulo ang kaniyang ulo!
"NO WAY! AS IN NEVER IN MY WILDEST DREAM, YAYA! Guguho man ang America ay wala akong balak magpakasal sa taong napipisil nina Mama at Papa! Gagapangin ko na lamang si partner!" aniya na walang preno!
"Ganoon pa man ay mas mabuting kausapin mo ang Mama at Papa mo ng maayos. Kung ayaw mo rito sa Massachusetts ay sa Los Angeles. Ang mahalaga ay magkaunawaan kayong pamilya," saad ng Yaya.
Napabalikwas naman ang dalaga dahil sa narinig. Kaso sa ginawa niya ay nauntog siyang muli. Subalit hindi na niya iyon inalintana. Bagkus ay yumakap siya sa kaniyang butihing Yaya.
"I love you, Yaya. You gave me a perfect hints. Very bright idea, Yaya. Don't worry because no matter where I go, I will you with me." Yakap-yakap na nga niya ito ay pinupog pa ng halik! Tuloy ang pobreng Yaya ay kulang na lamang ay matumba.
"Kailangan mo pa ring magdahan-dahan, anak. Hindi ka pa ba nagsasawang mauntog at sumiplang? Maupo ka na muna ng maayos dahil may dala-dala akong meryenda," muli ay wika ng Yaya
Ngunit hindi iyon pinansin ni Surene. Dahil ang isipan niya ay ang matawagan ang partner.
"Wait a minute, Yaya. Tatawagan ko muna ang sablay dulay komg partner. Diyan ka muna, Yaya. Huwa kang umalis ha. Dahil kakainin natin ang meryendang dala-dala mo," ani Surene saka maarteng dinampot ang cellphone na tumilapon saka nagsimulang mag-dial.
NAIIYAK naman si Artemeo nang matapos niyang kantahin ang lagi nilang kimakanta ng mga magkakaibiga nang humahangos na dumating ang kapatid ni Sherwin na hawak ang kaniyang cellphone.
Samantalang sambakol ang muhka ni Cynthia nang sa wakas ay may sumagot. Iyon nga lang ay boses babae! Kaya naman nang sa wakas ay sumagot ang kaniyang pakner ay tinalakan niya ito.