"N-nasaan ako?" ang unang nanulas sa labi ni Artemeo nang nagkamalay siya.
"Sh*t! Ang sakit---"
"Huwag maingay, Pare. Nandito tayo ngayon sa bundok. Ang gawin mo ay gisingin mo si Miss Boromeo." Agad namang tinakpan ni Sherwin ang labi ng kaibigan.
Masuwerte silang apat dahil damuhan ang binagsakan nila kaya't ang galos lamang nila ang problema. Samantalang ang Yaya ng dalaga ay wala ng buhay dahil sa tuyong kahoy ito tumama. Wala sanang problema subalit tumusok ang tuyong kahoy sa katawan nito. Hindi na ito humihinga nang nagising sila.
Samantalang dahan-dahan iminulat ni Surene ang mga mata. Dahil nawala sa isipan niya ang nangyari ay magsisigaw sana siya nang maramdaman ang tapik sa balikat niya. Ngunit ang palad nang tumatapik sa kaniya napunta sa labi niya.
"Huwag kang mag-alala, ako ito. Bangon na para makaalis na rin tayo." Nakatapat sa bibig ni Artemeo ang isang daliri tanda lamang na nais niyang patigilin ang dalaga sa napipintong pagsisigaw.
Palaisipan pa rin sa kaniya kung sino-sino ang mga umambush sa kanila samantalang sila-sila lamang din ang nakakaalam sa kilos o ang pagluwas nila sa siyudad ng Manila.
"Si Yaya Cynthia? Nasaan ang Yaya ko?" dinig niyang tanong ng dalaga subalit walang sumagot sa kanilang tatlo bagkus ay napatingin sila sa kinasabitan ng Yaya nito.
"Y-yaya! Yaya---"
"Ano ba?! Gusto mo na ba talagang mamatay? Aba'y nakatalon tayo at nakatakas sa mga hindi nakikitang tao ngunit sa ginawa mong iyan ay ipinaalam mo na rin kung nasaan tayo!" gigil at mahinang sawata ni Artemeo sa dalagang akmang lalapitan pa sana ang animo'y damit na nakasabit.
"Pero siya na lang ang---"
Muli ay pinutol ng binata ang pagsalungat ni Surene. Dahil ramdam niyang nasa paligid ang mga nais pumatay sa kanila. At kung magpatuloy ito sa pagsisigaw at pagtangkang sagipin ang Yaya nitong wala ng buhay ay magaya sila rito.
"Miss Boromeo, puwedi bang manahimik ka? Alam ko, alam naming lahat at mas kami ang nakakaunawa sa pakiramdam mo ngayon. Pero pakiusap, kami naman ang maunawaan mo sana kahit ngayon lang," mahinang pahayag ng binata.
"Tama si Pareng Art, Miss Boromeo. Walang may kagustuhan sa pangyayaring ito kaya't huwag mo sanang isiping pinabayaan na natin ang Yaya mo. Kung gusto mong makarating na buhay sa pinsan mo sa Baguio ay pakiusap, sumunod ka na lang sana sa amin." Segunda na rin ni Sherwin sa halos hindi marinig na boses.
"Let's get out of this place mga Pare. Sa tingin ko ay teritoryo ng mga rebelde," palinga-lingang wika ni Jonas.
Ngunit hindi pa sila nakakalayo sa pinanggalingan nila ay muli silang natigilan at dali-daling nagtago.
"Hanapin ninyo ang mga iyon! Sigurado akong dito sila bumagsak!"
"Ang sabi ni Boss kung kailangang iligpit silang lahat ay gagawin natin!"
"Paano ang mga kasama nila, Lorenzo? Mayroon silang sinundo sa airport ayon sa mga kasama natin?"
"Kaya nga mas may dahilan pa tayong patayin ang tatlo! Sila ang nakaharang sa pagpasok natin sa Camp Villamor. Tandaan ninyo, dead or alive. Kailangan natin silang maiharap kay Boss!"
Mga ilan lamang sa usapan ng kalalakihang naghahanap sa magkakaibigan. Kaya't nagkatinginan sila. Pigil ang hinginga dahil kahit kaunting kaluskos ay siguradong maririnig sila. M16 riffles ang hawak ng ilan sa kalalakihan samantalang silang tatlo ay ang hawak lang nilang kalibre kuwarenta-isingko. Mga military sila at kayang-kayang makipagsabayan sa kahit anumang giyera subalit bala ang saklaw. Makapatay man sila ngunit baka mauna pa silang mamatay kaysa ang taga-mando.
But!
The world is not on their side. Dahil aksidenting naapakan ni Jonas ang batong hindi agad napansin kaya't natumba ito at lumikha ng ingay.
"Doon! Nandoon sila!" dinig nilang sigaw ng mga naghahanap.
"Lumayo na kayo rito! Bilisan ninyo! Ako na ang bahala sa kanila!" mahina man ang pagkasabi ni Jonas ngunit kulang naman ay mapisa sa diin.
"Shut up, Pare! Ako ang dahilan kung bakit kayo sumama sa airport---"
"Ano ba, Aguillar! Hindi ito oras nang pagsisisihan. Kung gusto mong madala kay Sir Cameron Miss Boromeo ay umalis na kayo ngayon din!" Kulang na lamang ay itulak ni Jonas ang kaibigan niya.
Hindi siya natatakot mamatay lalo na kung para sa mahal niyang kaibigan. Noon pa man ay nasabi na niya sa sarili na maari lang siyang mamatay basta para sa mga kaibigan niya. At iyon na ang oras na pinakaaasam-asam niya.
"Now, Pare. Take them out of this place. Alam---"
Kaso hindi na rin natapos ni Jonas ang pagbibilin sana kay Sherwin. Dahil muling nagpaulan ng bala ang grupo ng kalalakihang naghahanap sa kanila kaya't wala na rin silang nagawa kundi ang lumaban. Inalalayan ni Sherwin Jonas samantalang ganoon din ang ginawa ni Artemeo sa babaeng halatang natatakot na rin dahil natahimik na. Nakipagsabayan silang magkakaibigan sa mga nagpaulan ng bala.
"Go ahead without me, Pare. Kapag sabay-sabay tayong tatakas ay walang makapagreport sa kampo. Kahit isa man lang sa atin ang makasurvive upang hindi masayang ang buhay ko. Dahil noon pa man ay ipinangako ko nang mamatay ako para sa inyong mga kaibigan ko," sabi ni Jonas nang nakakubli silang muli.
"Pareng Art, alam kong mahirap pero sige na. Itakas mo si Miss Boromeo. Kahit anong mangyari ay huwag mo siyang iwanan at pilitin ninyong makarating sa kalsada. Sa kaliwa ay deretso iyan kabahayan na kapag makalabas kayong dalawa. Go!" Halos itulak na rin ni Sherwin ang dalawa.
"Ano ba---"
"Huwag ka nang tumutol, Pare. We are soldier and we were born to save our countrymen. It's an honour to die while protecting you and Miss Boromeo. If we can make it through, we will see each other again. But if not, see you in the other world. Hand salute, Captain Aguillar." Nakangiting sumaludo si Captain Jonas Ruiz.
Sinadya niyang tumayo upang saaluin ang bala mula sa nakauamang na baril sa kaibigan niya. Kahit lampa kung tawagin niya ito ngunit hindi matatawaran ang friendship nilang tatlo. Eksaktong nakaharang siya rito ay muling nagpaulan ng bala ang kabilang grupo. Kulang ang salitang niratrat siya ng bala ngunit wala iyon sa kaniya. Ang huli niyang natandaan ay tumakbo palayo ang dalawang lampa mula sa kinaroroonan nila Sherwin. Bago pa siya tuluyang pumikit ay kitang-kita niya itong hinahabol ng ilang kalalakihan ngunit sa ibang dereksiyon. His precious life will save his beloved friends. He doesn't have any regrets in giving up his life for them.