CHAPTER THIRTY-THREE

1834 Words
"HIPAG! Ano'ng ginagawa mo rito? Ang sabi ni Nanay Gorya ay may gagawin ka na hindi mo magawa-gawa kapag naka-uniporme ka. What is it, hipag?" may pag-aalalang tanong ni Sherwin sa asawa ng matalik na kaibigan. Tumawag naman kasi ito dahil gusto raw siyang makausap. Kaya nga laking tuwa dahil dito. Subalit kaagad ding napalitan ng takot ang tuwang lumukob sa kaniya ng nadatnan itong tinalo pa ang asawang nagpanggap na baliw noong inakalang patay siya. "Huwag kang mag-alala, brother. Dahil ito ang sinasabi kong kailangan kong gawin. Kahit lumabas ako sa bahay kung hindi ako magbagong anyo ay walang saysay. Here, take a look at this. Nakita ko sa silid naming mag-asawa. Maari ko iyang ipakita sa mga kuya ko ngunit ikaw ang mas safety na kausapin sa oras na ito ay sa iyo ko na rin ipinakita iyan," tugon nito saka iniabot ang envelope na naglalaman ng ilang confidential information. Tahimik naman niya itong tinanggap saka bahagyang binuklat. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata dahil sa nilalaman ng envelope. "Oo, brother. Kaya't kako sa sulat ko kay Nanay ay gagawin ko rin ang aking tungkulin bilang isang alagad ng batas upang matulungan ko ang aking Labidabs." Tinig nito ang pumukaw sa kaniyang isipang nagsisimula ng maglayag. "Pero buntis ka, hipag. Ibig sabihin ay hindi ka nag-iisa. At isa pa, alam mo ba ang nangyayari ngayon sa South Cotabato? Walang nakakaalam kung nasaan ngayon ang Sablay na iyon. Dalangin ko nga lang na sumemplang siya at sumablay sa taguan kaysa naman---" "Kung inaakala ninyong patay ang Sablay Dulay ko ay nagkakamali kayong lahat, brother. Ang taong tulad niya ang hindi madaling mamatay. Alam mo kung bakit? Siya ang kailangan ng maraming tao. Nasa BG's position siya pero mas bagay sa kaniya ang nasa General's Office Alam ko, bayaw. Maari akong makulong sa mga sinasabi ko. Ngunit sinasabi ko ito hindi dahil asawa ko ang saklaw. Subalit simula pa noong paulit-ulit na pinapabalik sa Mindanao ang Sablay ko samantalang home based siya at isang BG ay nagduda na ako. You may hate me for not restraining from saying those words, but I will fulfil my duty as a public servant." Boom, panis! Ang Lampang buntis na may balak tularan ang estilo ng asawa o ang pagbaliw-baliwan ay napa-sona! Mabuti na nga lang at sa sementeryo ang napili nitong meeting place. Ganoon pa man ay bumili siya ng ilang pagkain lalo at buntis ito. Ginawa na nga lang niyang sample ang mahal niyang asawa kapag buntis. "No, hipag. Kung may nakakaunawa man sa iyo sa oras na ito ay walang iba kundi ako. Hahawakan ko ang mga papeles na ito at ako mismo ang gagawa. Kaya't pakiusap, hipag, umuwi ka na kay Nanay Gorya. Namamatay-matay na sa pag-aalala sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil sina Sir Roy ang kasama ko sa lakad na ito. Kahit itago mo ang iyong tiyan ay halata na. Kayat, please lang makinig ka sa akin." Muli niyang pakiusap. "Brother, parang hindi mo ako kilala eh. Kapag sinabi ko ay gagawin ko. Total nakapag-paalam ako kay Nanay, alam mo kung nasaan ako ay okay na iyon. I will not go back home empty-handed. Instead, go and prepare for your departure bound to South Cotabato. At ipapakiusap ko ring kayo na muna sng bahala sa paghahanap sa Sablay Dulay ko. And I'll do the same," anitong muli saka dinampot ang dala-dala niyang pagkain. Akala nga niya ay kakainin na nito kaso nagmistulang hindi buntis dahil sa isang iglap ay nawala sa kaniyang paningin. "Kung nagkataong nasa ibang pagkakataon tayo ay kakantiyawan kita, Lampa. Pero dahil ang Sablay mong asawa ay nasa peligro ay saka na muna. Sana ingatan mo ang iyong sarili. Dahil sigurado akong iyon din ang sasabihin ni Pareng Artemeo," bulong niya saka tinungong muli ang sasakyan. "GUYS, nasa inyo na kung tatakas at pupunta kayo sa Camp Panacan o Camp Kidapawan kagaya ng bilin ni Sir Brigadier General. Dahil ako ay hindi ko siya iiwan. Maaring siya ang boss at pinakabata sa ating grupo pero hindi naging sagabal upang ituring tayong iba. Kung buhay ko man ang kapalit ng pagsama ko sa kaniya ay maluwag kong tatanggapin. Buo ang loob kong samahan siya rito hanggang sa matapos ang labanang ito. Pahayag ng military doctor sa mga kasama. Ipinain ng boss nilang Sablay kung tawagin ng mga kaibigan lalo na ang asawa nito ang buhay upang patakasin sila. Samantalang mayroon itong tama at tumanggi pang gamutin. Dahil na rin sa biglang pagsulpot ng mga hindi maubos-ubos na rebelde. Kaya't gagawin niya ang lahat upang matulungan ito. "Huh! Aba'y gusto mo yatang masapak, brod? Tsk! Tsk! Ikaw lang ba ang nagnanais na maisalba ang boss natin? Ako, sila at tayong lahat, brod. Kaya't kung ayaw mong ikaw ang pagpistahan ng mga bala ng baril ng nga hayop na rebelde ay mag-zona ka riyan!" Pabirong angil ng isa. "Alam kong inappropriate pero isama nating hanapin ang cellphone ni Brigadier General mga kasama. Kung hindi ako nagkakamali ay ilang araw ding hindi nakatawag kay Ma'am Surene. Hawak-hawak niya ito bago sumiklab ang giyera kaya't kako baka nasa paligid lang din." "Hopefully, brod. Dahil tayo rin ang saksi sa kanilang relasyon. Simula pa noon kina Sir Jonas at Sir Sherwin." Mga ilan lamang sa salitang binitiwan nila. Sablay-sablay man ito sa paningin ng iba ay mahal na mahal nila ito. Ito ang pinakabata sa grupo nila ngunit hindi sagabal na maging leader, ama, ina, anak, kapatid at kaibigan. Kaya't hindi nila sasayangin ang sakripisyo nito. Kung nagkataong nasa barrack sila ay siguradong napahagalpak na naman silang lahat. Ngunit dahil patago-tago sila upang hindi masayang ang sakripisyo ng Brigadier General nila ay iba ang kanilang ginawa. Hinablot ang bawat isa na maaring makita ng mga kalaban. 'Giyera ba ang hanap ninyo? Sige, mag-ubusan tayo ng lahi total iyan naman ang gusto ninyo! Kaming mga sundalo pa ang sinisisi n'yo sa mga kaguluhang nangyayari rito sa Mindanao! Samantalang kami ang gumagawa ng lahat upang magkaroon ng peace and order ang bansa natin!' 'Matapang ka, bata! Ngunit sa pag-aakala mo ba ay papayag kaming guluhin ninyo ang buhay namjn dito---' 'Huwag mong ipasa sa aming mga alagad ng batas ang kakulangan ng tiwala ninyo sa inyong kapwa! Kailan pa sumiklab ang madugong giyera rito na kami ang may kasalanan? Kayong mga rebelde ang dapat sisishin dahil talaga namang kayo ang may kasalanan!' DINIG na dinig nila ang palitan ng mga ito ng salita. Kaya kahit sa tinginan lamang ay nagkaunawaan na sila. They will not forsake their superior no matter what it takes! Kaya naman! Sinunod nila ang madalas sabihin ng kanilang boss. Isang bala, isang buhay. Mahigit sampo na lang sila samantalang isang daan siguro ang mga ito. Ngunit hindi iyon naging sagabal upang magpatalo at susuko sila. Sabay-sabay pa silang naghagis ng granada. They are twelve in total. Kaya't sa kanilang paghagis ng pambasabog ay mahigit kalahati ng kalaban ang nabawas. Hindi na nga sila nagsayang ng oras, lumalabang mag-isa ang boss nila kaya't imbes na sundin ito ay sinamahan ito. Kaso! "NO! Brigadier General! Sabay-sabay na walang sablay maliban sa sablay dulay nilang amo. Paanong hindi sila nagsabay-sabay kahit pa marinig at malaman ng ilang rebeldeng naiwan ang kinaroroonan nila. Ang bossing nila ay muling natamaan ng bala. Idagdag pa ang malapit ng matetanong dati na nitong sugat. Natumba ito ngunit okay lang sana kung natumba lamang. Subalit kitang-kita pa nila kung paano ito nagpagulong-gulong. "Tapusin na natin sila, brothers! Upang sabay-sabay din nating hanapin si Sir!" nagawa pang sabi ng isa. Makuha ka sa tingin ika nga nila. Kaya't nagkaunawaan lamang sila sa tinginan. Muli silang nagtapon ng granada saka sinundan ng pag-atake. Ilan ding lumaban ngunit hindi sila pumayag na malagasang muli. "Guys! Maging alerto kayo. Kailangan nating makasigiradong wala na ngang kalaban. Pero nararapat lamang na ating simulan ang paghahanap kay Sir BG," muli ay saad ng isa. "Tahimik na ang paligid, brod. Watch out ang iba at magsikalat na tayong muli upang hanapin si Sir," turan pa ng isa. Then... "Sir BG! Tapos na ang laban! Kung naririnig mo kami ay sumagot ka upang malapitan ka namin!" "Nagawa natin silang pinulbos, Sir. Kaya't magagawa rin nating babalik sa Camp Panacan na nanatiling intact ang leeg sa sarili!" "Isinakripisyo mo ang iyong kaligtasan para sa amin, Sir. Kaya't gagawin din namin ang lahat upang mailigtas ka. Sumagot ka, Sir BG. Wala na ang mga sumugod!" Mga ilan lamang sa tinig na nanulas sa labi ng mga nandoon o ang tauhan ng wala ng buhay este malay na opisyal. Out of the blue after few minutes of searching! "DOCTOR! Doctor, mga kasama, nandito si Sir Aguillar! Bilisan ninyo baka sakaling mailigtas pa natin siya!" dinig nilang sigaw ng isa nilang kasama. Kaya naman, kahit nasa liblib silang lugar ng South Cotabato ay nagmistula silang mahuhuli sa military training na nag-unahang tumakbo palapit sa kinaroroonan ng sumigaw. "Oh, my God!" Ang nanulas sa labi nila nang nasilayan kalunos-lunos na hitsura ng kanilang superior. Kaso ang military doctor ay napangiti pa kahit nasa alanganing sitwasyon sila. Ngunit naging maagap din sa kadahilanang ayaw na pag-isipan ng masama. "It's not what you think, my dear brothers. Talagang mabait pa rin ang langit sa ating lahat lalong-lalo na kay Brigadier. Look at him. He is in an upside-down position, but God didn't let him die. Aba'y sumabit ang paa niya sa mga sabitan ni Tarzan. Ngunit tingnan n'yo ang maari niyang bagsakan." "Thank you, BOSSING, for not letting him die." Hindi tuloy matukoy kung ano ang binabalak nito dahil imbes na tumulong sa pagbaba sa naka-up side down na opisyal ay napaluhod pa ang military doctor saka tumingala sa maaliwalas na kailangitan. Para bang sinasabing magliliwanag na rin sa wakas ang buhay nila. Kaso! "Kapag matuluyan ang boss nating sumablay kay kamatayan ay ikaw ang gagawin kong Tarzan. Aba'y kaya ko nga kayo tinawag dahil kahit bata iyan kaysa edad natin ay malayong mabigat kaysa sa atin. Tumayo ka na rin at magngatngat ng mga damo upang mayroon kang maipantapal sa mga sugat niya. Alam kong lagi kang handa kaya't kayang-kaya mong tanggalin ang bala sa tagiliran niya!" Nakatawang angil ng isa. Ngunit lahat sila ay nakangiti na sa pagkakataong iyon. Dahil bukod sa wiped out na ang mga sumugod ay buhay na buhay ang amo nilang mukhang naging sablay na rin according to his friends and wife. Hindi sila nagsayang ng oras. Gumawa sila ng apoy upang ma-sterilise ang kutsilyong gagamitin. Ang iba ay kusang tinanggal ang military jackets upang may magawang higaan ang pasyente nila. And lastly, ang isa ay naging unan nito. Then... The military doctor positioned and prepared himself to operate their superior even they are in the middle of nowhere. But life will not go as we always wish! Dahil kung silang nasa wilderness ng South Cotabato ay nag-iisip kung paano babalik sa kapatagan upang makahingi ng tulong sa Camp Panacan ay iba ang nangyayari roon. Mamaalam na nga ba sa earth ang Sablay Dulay nating Brigadier General?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD