CHAPTER THIRTY-TWO

2376 Words
"BRIGADIER GENERAL...!" "Huwag kayong maingay, guys. Pilitin ninyong makatakas sa lugar na ito upang makahingi ng tulong sa Camp Panacan. Iyan ang kampo na malapit dito sa South Cotabato." Nanunuot man ang sakit ng balakang dahil sa daplis ng bala ngunit kinaya pa rin ni Sablay Dulay ang nagwika. And, yes, it is! Ang bumulabog sa kanilang pagsabog ay dulot ng mga rebeldeng sumugod sa barracks nila. Mabuti na nga lamang at naging maagap ang tower man nila at nakapag-go signal. Kaso ganoon pa rin, nagmistulang sila ang mga rebeldeng patago-tago. "Hindi ka namin iiwan dito, Sir Brigadier General. Sama-sama tayong nasadlak sa giyerang ito kaya't sabay-sabay din tayong lalaban. Kung ubusan man ng lahi ang gusto nila ay gagawin natin." Mariing pagtutol ng isa niyang tauhan. 'Tang*na naman eh! Sila na yata ang ayaw makaligtas!' Ngitngit tuloy ni Sablay na pilit itinatago ang sakit na dulot ng pagkadaplis sa balakang niya. "Pero mauubos tayo kapag ayaw nin---" "Boss, ilang taon na ba kaming lahat sa iyo? Ilang taon tayong magkakasama simula noon kina Sir Ruiz at Abrasado. Sa akala mo ba ay may susunod sa iyo o ang tatakas samantalang buhay mo ang nakataya? Kasuhan mo man kaming lahat ng insubordination at ipa-court martial mo ay walang kaso iyon. Tama, maaring maubos tayong lahat dahil sa pagtutol namin. Pero mas maganda iyong sabay-sabay tayong lalaban at makaalis dito. At mas maganda pa kung ikaw ang patakasin namin dahil ang tulad mo ang kailangan ng bayan kaysa ang---" Kaso kung pinutol nito ang pananalita niya ay ganoon din ang kaniyang ginawa. Talagang matutuyuan siya ng dugo! Walang ipinagkaiba ang mga ito sa ilang taon na ring namayapa o si Jonas. Kahit ang isa pang matalik na kaibigan na nagpalipat sa Camp Villaflores sa Manila. Ngunit masaya rin siya dahil nasa kaniya ang loyalty ng mga ito. They are all trustworthy person. "Magpasalamat kayong lahat dahil nasa alanganing sitwasyon tayo. Nagkataon lang sigurong nasa kampo ay hindi lang two hundred push ups ang parusa ninyo. Okay, since that you are all hard headed, maging alerto kayo. Aminin man natin o hindi ay nauubos na rin ang ating bala. So, we need to minimise everything. Isang bala, isang buhay. Fix a bayonet with your guns as well. Ako na ang bahala kay Matang Lawin." Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa mga ito. Tauhan na niya ang mga ito simula pa noong nagsisimula silang magkakaibigan sa military. Kaya't hindi na nakapagtatakang ayaw sumunod sa pagpapatakas niya upang makahingi ng back up. CAMP VILLAMOR, BAGUIO CITY "Hey, man! Maari bang ayusin mo muna ang iyong sarili bago pumasok!" salubong na singhal ng magkakaibigan sa isa nilang kaibigan o si Roy. "Mamaya n'yo na ako pagalitan. I'm on my uniform, that is why I'm still one of you. A founding officer of this military Camp---" "Two hundred push-ups na sana iyan, Calvin. Ngunit dahil mukhang sinapian ka ng masamang espirito kaya't nagmistula kang others ay patatawarin ka muna namin. Okay, go ahead. Ano ba nag dahilan at habol-habol mo ang iyong hininga?" Pamumutol ni Bryan sa kaibigang iba yata ang pagkaunawa sa kanila. "Uminom ka muna, dude." Iniabot naman ni Raven ang isang mineral water dahil sa nakikitang hitsura ng kaibigan. Hindi naman siya ganoon kaipokrito. Tama, may dala-dala siyang badnews ngunit ayaw din niyang humaba ang ganoong usapan. Kaya't kahit gustong-gusto niyang makausap ang heneral ay hinamig muna niya ang sarili habang iniinom ang tubig na iniabot ng kaibigan. "Mga dude, nasa war footing sina Artemeo. Walang nakakaalam kung buhay pa ito o hindi. Ayon kay Sherwin na tumawag ay ilang araw na raw niyang hindi makontak ang kaibigan. Kaya't nakiusap sa biyanang nasa AFP at doon nalamang sumiklab na naman ang giyera sa South Cotabato o ang mga rebelde. If I'm not mistaken, gusto nitong magtungo roon upang hanapin ang kaibigan. Ngunit dahil sa law of protocol, nais ding dumaan sa tamang proseso." "Dude Allen, hindi nagpapigil ang pinsan mo. Isa pa iyan sa problema ngayon. Umiiyak si Nanay Gorya dahil paggising daw niya ay sulat na lamang ni bunso ang nakita. Wala naman kasi si Cora dahil nasa OJT na. If you can try to communicate with our sister's parents baka may alam sila sa kinaroroonan ng buntis na iyon." "And the rest of you, help me to convince Sir General to communicate with the current general in Camp Panacan. And if ever, to let us go and help my brother." Out of frustration, napaluhod si Roy. Ngunit naging mabilis ang kilos ng apat. "Tarantadong ito eh! Who told you to kneel down on us? Stand up, man! Kahit hindi mo kami pakiusapan ay gagawin namin iyan." "Sipain mo ako kamo at talagang ora mismo paliliparin kitang walang pakpak!" "Get up, dude. We are not God for you to kneel down in front of us. Fix yourself and we'll to the General's Office and ask his assistant about this matter." "You are the one who told us not to kneel, and vow to anyone, dude. But look at yourself now. We are your best friends, not God. But you just knelt before us." Mga ilan lamang sa salitang binitiwan ng magkakaibigan habang tinutulungang makatayo ang basta na lamang lumuhod. Hinayaan nila itong mahamig ang sarili bago sila nagtungo sa opisina ng general. "NASAAN na kaya ang Ate Surene mo, anak? Ako ang natatakot para sa kaniya. Buntis siya ngunit hindi nagpapigil," malungkot na wika ni Aling Gorya. Hapon na ngunit wala pa rin ang manugang na buntis. Tama, nag-iwan ito ng sulat upang ipaalam sa kanilang mag-ina na aalis dahil mayroon itong kailangang gawin. Ngunit umaasa pa rin siyang uuwi ito. Pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin ito. "Sa palagay ko ay nasa paligid lang siya,'Nay. Dahil sa pagkaunawa ko ay gagawin niya ang tungkulin bilang alagad ng batas. Sabi pa nga niya ay kahit nandito siya ay matulungan niya si Kuya na nasa war---" Kaso ang pag-uusap ng nag-inang Gorya at Cora ay pinutol ng sunod-sunod na pagkatok sa gate ng bahay. Maaring simpleng up and down house ang napagawa ng Sablay Dulay nila ngunit may gate ito. Napalibutan pa ng bakod. Then... "Sherwin, Hijo! Pasok ka, aba'y hindi ka pa rin nagbabago basta ka na lamang sumusulpot. Hala, pasok ka," ani Aling Gorya nang napagsino ang kumakatok. "Salamat, Nanay. Si hipag pala, nasaan? Kasi gusto ko sanang kausapin ng maayos," anito kasabay ng kanilang paglakad papasok. Kaso imbes na sumagot ang Ginang ay napahingang malalim. Kaya naman ay dali-daling sinalo ni Cora na may dala-dalang meryenda. "Iyan ang problema namin ngayon, Kuya Win. Dahil maghapon ng nawawala si Ate. May iniwan naman po siyang sulat na huwag kaming mag-alala sa kaniya dahil may gagawin lang na hindi niya maaring gawin habang naka-uniform siya. Pero hindi naman po iyon puwede lalo at buntis siya---" "Ano? Buntis si hipag pero naglayas? Ang babaeng iyon ay pinanindigan na ang pagiging layas queen! Oh, I'm sorry, Nanay, Cora. Nagulat lang po ako. Pero kaya ako pumarit upang ipaalam sanang under attacked ang grupo ni Sablay at walang nakakaalam kung nasaan ito at ang mga tauhan." Nagulat siya oo pero ginulat din naman niya ang mag-inang Gorya at Cora kaya't naging maagap siya sa paghingi ng paumanhin. Samantalang dahil sa narinig ay bahagyang natahimik ang mag-ina. Lumipas ang ilang minuto bago muling nagsalita si Aling Gorya. "Kung ganoon ay nagparamdam sa hipag mo na may mangyayari sa asawa. Subalit kahit pupunta siya sa South Cotabato ay hindi naman niya alam ang eksaktong lugar. Baka mapaano silang mag-ina. Ang kapatid mo, baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Idagdag pa ang hipag mo." Sa kabila ng pag-iyak ay nagawa pa ring tapusin ng Ginang ang sinasabi. Subalit umiling-iling si Cora kaya't napatingin sila rito. "Ang kilala kong hipag ko simula pa noong partner pa sila ni Kuya Sablay ayon din sa kanila ay hindi gumagawa ng hakbang na ikapapahamak niya idagdag pa na may buhay sa kaniyang tiyan. At isa pa, kagaya iyon ni Kuya na kapag sinabing puti ay puti. Kaya't kahit ano'ng gawin nating pagtutol ay hindi makikinig lalo na kapag may misyon," pahayag ng dalaga. Kaya naman ay napangiti si Sherwin ngunit dahil sa kinakaharap nilang sitwasyon o tungkol sa sablay niyang kapatid ay agad ding itinago ang ngiti. "Sis, dahil alam kong mas matibay ang iyong damdamin kay Nanay ay sa iyo ako makikiusap. Huwag na huwag mo siyang hahayaang talunin ng emosyon. Dahil kaya ako pumarito sa Baguio upang makipagtulungan sa mga bosses ni Sablay. About sa hipag natin? Alagad iyon ng batas kaya't sabi mo nga ay alam ang tama at nakakabuti sa kanilang mag-ina." "Nanay, huwag ka ng malungkot. Dahil gagawin namin ang lahat upang matulungan si Artemeo. Huwag naman sana ngunit kung nagsauli na ito ng buhay ay hahanapin namin ang bangkay niya upang maiyuwi. He did it to me way back then, and that is why I will also do my best to help and save him." Pinaglipat-lipat ni Sherwin ang paningin sa mag-inang itinuring na tunay na kapamilya. Subalit hindi pa nga siya nakaalis ay dumating ang magkakaibigan na halatang nanggaling pa sa Camp Villamor dahil na rin unipormado pa ay suot din nila ang kani-kanilang ID. Sa bahay na rin ng sablay niyang kapatid sila nag-usap-usap tungkol sa kanilang gagawing hakbang. SOUTH COTABATO "Sa ayaw at gusto mo, Sir BG ay kailangan nating gamutin ang sugat mo. Look, it's been a few days since we were trapped in this place. Ganoon na rin katagal na dumadaing ka dahil sa tama mo. Hindi ka maaring matuluyan. Mas nanaisin pa naming kami ang mawala kaysa ikaw na lider ng lahat," saad ng military doctor. "Ikaw na rin ang nagsabing ilang araw na tayong walang maayos na kain kundi puro tubig at bungang-kahoy lang. Naturally, lahat tayo ay nanghihina na. Kaya't isipin mo muna ang sarili mo kaysa sa akin. Tandaan ninyong lahat tayo ay may iisang buhay at pantay-pantay." Umiiling na pagkontra ng Brigadier General na sumablay ang tama ng baril kaya't sa tagiliran dumaplis. "Kung nasa maayos na pagkakataon lang sana siguro tayo ay hahamunin kita ng duwelo, Sir BG. Pero dahil bukod sa wala tayong kalaban-laban ay banatan na lang muna kita ng herbs," nakailing na saad ng doctor. Ngumiti na lamang si Brigadier General bilang tugon. Dahil aminin man niya o hindi ay nanghihina na rin siya. Pero ayaw niyang ipahalata iyon sa mga tauhan. Dahil oras na gawin niya iyon ay mas manghihina ang mga ito. Siya ang superior ng lahat kahit pa may kani-kaniya silang puwesto sa military division. At bilang leader ay gagawin niya ang tungkulin bilang militar at Filipino citizen. Kaso! "Hssshhh... Huwag kayong maingay. May paparating..." Pagpapatahimik ng isa sa kasamahan nila. Kaya naman kahit nanghihina at nahihirapang kumilos si Artemeo ay pinilit niyang nagkubli. 'Bossing, alam kong hindi ako pala-simbang nilalang, napakaraming pinatay at makasalanan ako. Pero maari po bang iligtas mo na kami rito? Tinambangan kami ng mga kampon ni Satanas ilang araw na ang nakalipas sa aming barracks at nalagas na ang ilan kong tauhan. Ngunit nailigtas naman namin ang mga maaring biktima o ang mga taong bayan sa lugar na ito kaya't maari po bang tulungan mo kami, AMA?' Taimtim niyang panalangin habang pinilit na nagkubli. Hindi siya takot mamatay kung siya lang sana. Ngunit mahigit sampo pa sa tauhan niya ang nasa kaniyang kalinga. Simula na-trapped sila sa liblib na lugar na iyon sa South Cotabato ay ganoon ma rin katagal na pinapatakas niya ang mga ito. Ngunit talagang pinanindigang huwag siyang iwan. Kahit nga ang fallen men niya na hindi nakuha at nadala na maaring pinagpipistahan ng mga wild animals sa kabundukan. "F*ck! Kamuntikan na ako roon ah!" "Hide yourselves completely. Now!" Kadarasal niya subalit dahil sa kamuntikang pagkabaril ay napamura na naman siya! Sablay ka! Hindi ka tatanggapin sa langit niyan! Huwag kang sumablay upang sa ibang langit ka makapunta! "SIR BRIGADIERGENERAL, no! Hindi ka---" "Kung ang buhay ko ang makapagligtas sa inyong lahat ay gagawin ko, men. Ipapain ko ang aking sarili para sa atin. Basta kailangan ninyong makabalik na buhay sa kapatagan at makausap si General Malik sa Camp Panacan pero kung mas malapit ang Camp Kidapawan dito ay hanapin ninyo si Brigadier General Abdullah. Now, men!" Kusa na niyang pinutol ang pagtutol ng isa niyang tauhan. "AKO BA ANG HINAHANAP NINYO? WALA NA BA TALAGA KAYONG KAPAGURAN SA DIGMAAN? HINDI N'YO BA NAISIP NA MAS KAWAWA ANG TAONG BAYAN DAHIL SA GINAGAWA NINYO? KAMING MGA SUNDALO BA ANG PINAGPUPUTOK NG KUKUTE NINYONG MGA KAMPON NI SATANAS? SUMAGOT KAYO!" Mga ilan lamang sa salitang nanulas sa labi ng binatang opisyal. Maaring nanggaling ang lahat ng iyon sa kaniyang puso dahil na rin sa galit. Ngunit wala na siyang ibang maisip na paraan upang mailihis ang atensiyon ng mga rebeldeng grupo. 'Mga hayop na ito eh! Mukhang gusto pa yata nilang makipagmatigasan. Di na lang bilisan ang pagtakas! F*ck!' Ngitngit niya dahil nasulyapan pa ang ilan sa mga ito na wala yatang balak lumayo. "Matapang ka, bata! Akalain mo bang buhay ka pa pala samantalang ilang araw ka ng walang kain at sugatan---" "Oo! Buhay na buhay ako dahil gusto ko kayong walising lahat! Kung sumunod lang sana kayo sa peace talks ay walang giyerang nagaganap! Kaya't sige! Walang hanggang giyera ba ang nais ninyo? Sige, pagbibigyan ko kayong lahat! Ubusan ng lahi pala ang hinahanap ninyo eh!" Galit niyang pamumutol sa leader ng mga rebelde. Hindi nga siya nagkamali dahil kitang-kita niya kung paano nito inasinta ang hawak na M16 riffle. Ganoon pa man ay hindi siya nagpadala sa takot. Nakipagsabayan siya sa nga ito. Militar siya at rebelde ang mga ito. Tungkulin niya ang magsilbi sa bayan. At kung mamamatay man siya habang nasa labanang dulot ng mga kalaban ng gobyerno ay karangalan niya iyon. Hanggang sa... Sumiklab ang mainit-init na palitan ng putukan! Kung sino-sino man ang kapwa niya nakikipagbarilan sa rebelde ay hindi niya alam at mas hindi nalaman. Ang huli niyang natandaan ay nahulog siya at nagpagulong-gulong. Dahil na rin sa pag-iwas sa balang tatama sana sa kaniya. 'Lampa ko, I miss you so much,' aniya bago tuluyang ipinikit ang mata at bumagsak ang mga braso. Sumablay ba o natuluyan na ang Sablay Dulay nating lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD