"ANO'NG sinabi mo, anak? Aba'y patawarin mo ang iyong Nanay ngunit hindi ako papayag na aalis ka. Kaya ka nga pinaiwan dito ni Artemeo dahil delikado ang lugar na pinuntahan nila. No! As in NO."
Kulang na lang ay humiwalay ang leeg ni Aling Gorya dahil sa pagtutol sa hinihiling ng manugang. Kasalukuyan naman kasi siyang nasa Baguio dahil pinaluwas siya ng anak upang may makasama ang asawa lalo at nag-aaral ang bunsong anak. At sumama na rin sa Manila si Andy.
Kaso!
"Wow! Sosyal na si Nanay. May big NO na po siya. Saan po ba iyan nabibili, 'Nay?" humahagikhik na tanong ni Cora.
"Heh! Isa ka pa, Corazon Aguillar! Mukhang naging pabaya ka na rin ah. Aba'y huwag mong kalimutang ang Kuya mo ang nagpapaaral sa iyo!"
Pinandidilatan niya tuloy ito at hindi ito nakailag sa pangungurot niya! Naging konsentidor na hipag na yata ang lukreng niyang anak.
SAMANTALA dahil ayaw niyang maging dahilan ng pag-aaway ng biyanang babae at hipag ay kaagad ding pumagitna si Surene.
"Nanay, huwag ka pong magalit. Hindi naman po ako susunod sa Mindanao. Kundi gagawin ko po ang tungkulin lo bilang alagad ng batas. Dito lang po sa Luzon. Ah, uulitin ko po ang naging technique ng mahal kong Sablay Dulay. Baka sakaling mapadali ang pagbalik ng grupo niya rito sa Baguio at makadilig ng pananim..."
Pabitin niyang sabi kaso hindi pa nga siya tapos ay nagtatalon-talon na ang kaniyang hipag at nanlaki naman ang mga mata ng biyanan.
"Mukhang kami pa ang unang nakaalam sa pagbubuntis mo kaysa ang Sablay na iyon, anak? Ngunit dahil diyan ay mas big NO ang sagot ko sa hinihiling mo. Aba'y buntis ka tapos sa labas ka magtrabaho? Jusmiyo, anak. Gusto mo yatang tuluyang maging masungit ang asawa mo," umiling-iling ns pahayag ni Aling Gorya.
"Ate, sa pagkakataong ito ay sang-ayon ako kay Nanay. Baka nahalata na iyan ni Kuya noong bago sila na-deployed sa South Cotabato. Halos dalawang buwan na ang nakalipas. Isang taon na rin kayong kasal sa susunod na buwan kaya't hindi na nakapagtatakang may sumabit na sa mahiwagang bulaklak ayon sa baklitang iyon." Pagsang-ayon na rin ni Cora sa ina.
Dahil dito ay bahagyang natigilan si Surene. Tama naman sila. Noong huling nagbakasyon ang mahal niyang Sablay Dulay ay iba na ang pakiramdam niya. Mas agresibo nga siya kaysa rito. Ngunit saka lang niya nakumpirmang buntis siya noong nakabalik na ito sa South Cotabato.
"Opo, Nanay, Cora. Noong nandito sila ng kaniyang grupo ay hindi ko pa sigurado na buntis ako. Saka ko pa lamang na-confirmed ang pagdadalangtao ko. It's almost four months now.
Tungkol po sa paglabas ko rito sa Baguio ay may gusto lang akong tapusin at gawin. Hindi ko iyan magawa-gawa kapag nandito ako at alam ng lahat na ako ang asawa ng Brigadier General ng Camp Villamor.
Let's say undercover works. At isa pa ay kagaya ng sinabi ko kanina ay tutulungan ko po si Sablay. Ang misyon na iyon ay nakita ko sa drawer niya. Maaring nakalimutan o nakapila nitong trabaho.
And lastly, alam ko po na para rin sa akin ang inyong pag-aalala. Ngunit sana po ay patawarin n'yo ako dahil itutuloy ko pa rin po ang trabahong ito. Dahil alam kong sa pamamagitan nito ay mapagaan ang ang trabaho mg Sablay Dulay ko."
Boom, panis!
Ang reyna ng ng mga lampa ay napatula!
Dahil dito ay wala ring nagawa ang mag-inang Gorya at Cora.
CAMP VILLAMOR BAGUIO CITY
"Dude, it's been a while since Artemeo came home with his comrades. Wala bang binanggit si bunso kung kumusta na raw ang bayaw mo roon sa Timog?"
Breaktime kaya't naisipan ni Roy na tanungin ang bayaw ng itinuring na kapatid. Anak ito ng taong malaki at kailanman ay hindi niya mababayarang utang na loob.
"Ang itanong mo, Dude, kung nasa kapatagan ba sila o nasa giyera na naman. Hindi lingid sa ating lahat kung gaano kagulo ngayon ang Mindanao. Kahit saang military base ngayon sa Timog ay on-war footing. Diba't iyan ang rason kung bakit laging nandoon ang grupo ni bayaw? Brigadier General siya at nararapat lamang na home based na. Subalit dahil sa awa ni BOSSING ay tahimik ang paligid natin dito sa Luzon ay sila ang tumutulong sa Timog," mahaba-habang pahayag ni Allen.
Tuloy!
Maaring mang-asar ang alaskador ng grupo subalit napansin ang pagkapabalisa ng kanilang founder. Kaya't ito ang hinarap.
"Hey, dude! May problema ka ba? I know, we are all worried about them there. Pero sa lalim ng pinakawalan mong hininga ay hindi ko na maarok ang nasa isipan mo," pahayag ni Bryan bagay na sinundan ni Harden.
"Mckevin is right, Dude. Are you feeling well? Ah, I asked it in the wrong words. I should say, are you sick? C'mon, dude. Tell us what's bothering you," anito.
Still, hindi kaagad sumagot si Roy bagkus ay nagpakawalang muli ng malalim na hininga.
"Kako, baka siya ang pakinggan ng bunso natin. Actually, iniwan ko sa bahay kaninang umaga si Nanay Gorya. Sila ni Misis ang nagpatuloy sa pag-uusap. But the point there is, gustong lumabas ng kampo---"
"Wait, dude. I know that it's inappropriate to interrupt when someone is talking. Pero bakit daw lalabas ng kampo? Huwag mong sabihing gusto ng babaeng iyon ang sumunod sa Mindanao?! Hah! Military Base iyon at hindi puwedeng nandoon siya dahil sa personal na bagay!"
Dahil sa gulat ay pinutol ni Allen ang pananalita ng kaibigan. Hindi lang iyon, napatayo pa siya at nahampas ang lamesa.
"Susme! Nagaya ka na ba sa asawa mong selosa? Naman eh! Breaktime oo pero huwag mong kalimutang nandito pa rin tayo sa loob ng Camp Villamor. Aba'y abot hanggang main gate ang boses eh!" Pananawata tuloy ni Bryan.
Nauunawaan naman nila ito. Dahil lahat sila ay concern sa kalagayan ng bawat isa lalo sa mga kapwa nilang nagtatrabaho sa Camp Villamor. Subalit ang kaibigan nila ay nakalimot yata!
Sa pahayag ng kaibigan ay kusang humingi ng paumanhin si Allen. Amimado naman siyang nadala siya sa emosyon.
"I'm sorry for my attitude, dude."
"Dude, ano raw ba ang dahilan kung bakit gustong lumabas ng kampo ang babaeng iyon?"
Pinaglipat-lipat ni Allen ang paningin sa mga kaibigan. Kaya't kitang-kita niya ang pag-iling ng dalawang tahimik.
"May misyon daw, Dude. Hindi ko pa alam kung ano iyon dahil hindi ko pa nakausap si General. Ayon kay Nanay Gorya, nakita raw ni bunso sa drawer ng asawa. Okay, let's say may misyon siya at gusto niyang ituloy, walang problema riyan. Dahil iyan ang sinumpaan nating tungkulin. Ang ikinakabahala ni Nanay ay buntis ang Clumsy Queen na iyon. She's almost four months pregnant."
"ANO?! Apat na buwang buntis?!"
Sabay-sabay na walang sablay maliban sa sablay dulay na Brigadier General.
Tuloy!
Natampal ni Roy ng wala sa oras ang noo!
"Tapos na ang breaktime mga dude. Oras na upang magtrabahong muli. The details of my news, puntahan n'yo na lang si Nanay Gorya sa Bontoc dahil umuwi na rin at namimiss daw si Tatay Ruben!"
Hindi naman siya galit. Nang-aasar lang. Gusto niyang asarin ang mga kaibigang sabay-sabay na nagsalita. Tumayo na nga siya at hahakbang na sana upang ikubli ang tawang nagkukubli sa labi niya. Kaso kaagad naman siyang hinila paupo ng nasa tabi o sina Oliver Smith at Ralph Raven.
"This is a serious matter, Dude. Huwag kang umalis. And the bell didn’t ring yet. So, go on and finish your story," saad ng huli.
"Tama si Pareng Raven, Dude. Okay lang na nandito silang dalawa sa loob ng kampo dahil husband and wife sila. Subalit ibang usapan sa military escapades," pahayag din ng una.
Kaya naman wala na ring nagawa si Roy kundi ang umayos muli sa pag-upo. Subalit kung kailan niya ibinuka ang labi upang magpatuloy sana ay saka naman tumunog ang bell!
Tuloy!
Nagsibalik sila sa kani-kanilang trabaho na hindi man lang natapos ang pinag-uusapan. Ganoon pa man ay napagdesisyunan nilang magpatuloy sa usapan sa hapon after their works.
KINAGABIHAN sa South Cotabato.
"Boss, mukhang balisa ka?" pukaw ng isa sa tauhan ni Artemeo at nagsilbing escort niya.
"Hindi naman, Lt Tamayo. Naiisip ko lang ang sitwasyon natin dito. Idagdag pa ang signal na pawala-wala," sagot niya saka muling tiningnan ang cellphone na patay-sindi ang signal.
Well, sigurado naman siyang tumatawag na naman ang mahal niyang Lampa na sa cellphone lamang nakakausap sa loob ng halos dalawang buwan. Minsanan nga lang niya itong nakikita sa internet dahil sa signal.
Kaso sa tinuran niya ay nagsipasukan ang iba sa mga ito. Maaring ang escort niya ang pinapasok ng mga ito kaya't nang narinig ang sagot niya ay hindi nag-atubling pumasok.
"Hmmm... Kayo yata ang balisa, guys? C'mon, speak up. What's the problem? Sabihin n'yo na at ating mapag-usapan. Huwag lang mambabae kayo dahil ako mismo ang magpa-court martial sa inyo," aniya.
Kaso sa huling bahagi ng binitiwang salita ay lihim siyang napamura. Dahil napakislot ang patutoy niyang dalawang buwan na ring hindi nakalusob sa mahiwagang kuweba ng asawa.
"Ay si boss, gabi na pero namumula pa rin ang mukha. Gusto mo bang ihanap ka namin sa baba ng babae?" Panunukso tuloy ng isang sarhento bago nagseryoso.
"I'm just kidding, Sir. Alam naman nating lahat kung gaano n'yo kamahal ni Ma'am Surene ang isa't isa. But the way, tungkol sa kasalukuyan nating trabaho. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit biglang tahimik ang kabilang panig samantalang naka-high alert ang war signal sa buong Mindanao?
Tama, nararapat lamang din na magpasalamat tayo dahil kawawa ang taong bayan na nadadamay sa bawat giyerang nagaganap. Mga kapwa sundalong nagbubuwis ng buhay sa tuwing sumasabak tayo sa walang hanggang p*****n.
Ngunit talagang nagtataka ako kung bakit basta na lamang sila natahimik. Ang mga mandirigmang tulad natin ay---"
Kaso!
Bago pa man matapos ng sarhento ang paliwanag ay napatingin silang lahat sa isa pa nilang kasama na humahangos na lumapit sa kanila! Subalit dahil habol-habol nito ang hininga ay hindi nila kaagad natanong. Kusa rin namang nagbuka ng labi upang magpaliwanag sana. Subalit hindi pa nga nito nagawa ay binulabog naman sila ng nakakabinging pagsabog!
Tuloy!
Ang pag-uusap sana nila ay nauwi sa pagmamadaling paghanda para sa giyera!