"BANGON na, Sablay. Aba'y hindi ka pa ba nagsasawang matulog diyan?" Bulong man o pang-aasar ay niyugyog ni Jonas ang kaibigang naging antukin na yata. "Ano ba, Pare. Maari bang huwag kang magulo? Aba'y mukhang pinapanaginipan pa yata ang Lampa ng buhay niyang ikinasal eh." Panggagatong pa ni Sherwin. Kaso! Sa tinurang iyon napabalikwas ang naging tulog mantika pansamantala. "NO WAY! Hindi maaring ikasal sa iba ang mahal kong si Lampa! Akin lang siya! Kung may papakasalan man siya ay walang iba kundi ako!" Kuyom ang kamao at kulang ay suntukin ang mga kaibigan. "Tsk! Tsk! Bakit, Sablay, may karapatan ka na ba sa kaniya upang mag-NO WAY ka? Hmmmm... Maari mong sabihin iyan, Parekoy, iyan ay KUNG magkasintahan kayo. Subalit hindi mo pa nga naipagtatapat ang pag-ibig mo sa kaniya eh,"