SINUNOD Surene ang bilin sa kaniya ng asawang nanggaling sa Mindanao. Nais daw siya nitong ipasyal sa lugar na hindi pa niya nakita. Totoo naman kasing kapwa sila militar kaya't bihira silang magliwaliw. Kaya nga nang nag-message ito ay dali-dali niyang inakay ang anak upang makalapit sila ng husto. Her ever handsome husband! Kung guwapo ito noon ay mas nahubog ang katawan nito kaya't mas naging kaaya-aya sa kaniyang paningin! "Hindi pa rin siya nagbago. Mas naging guwapo siya ngayon," bulong niya habanh nakatitig dito. Ganoon din sa fully-uniform militar Major. "Ang laki kong gag*o! Bakit ngayon ko lang napagtantong mahal na mahal ko pala ang lampang ito. My God! Ang anak namin. Babae man pero ako ang kamukha," aniya habang papalapit sa kinaroroonan ng mag-ina. Yes! He loves her s