"WHAT?! Ulitin nga ninyo ang sinabi n'yo?!" malakas na sabi ni Lampa. "Alam naming narinig mo ang sinabi ko. Kaya't huwag ka sanang mag-iskandalo. Militar ka po kaya't sigurado akong alam mo ang ibig kong sabihin," sagot ng isa ring unipormadong militar. Kaya naman ay mas nagdilim ang mukha niya. Aba'y hindi pa nakarekober ang mahal niyang sablay ay nais na naman nilang arestuhin. Kaso! "Hindi pa ba kayo nagsasawa sa ganiyang sitwasyon mga brothers. Una, framed-up si Brigadier sa Camp Panacan dahil umano sa pagpabaya at dahilan ng pagsiklab ng giyera na halos ikamatay din ng buong unit taga-Luzon like us. At ngayon naman ay nais n'yo siyang arestuhin kahit pa nakahospital? Ano ba ang problema ninyo? Sige, bilang sarhento ni Sir Brigadier ay ako ang maghahanap sa warrant of arrest niny