DAHIL wala pa ring makuhang matinong sagot ang kupunan ni Lampa sa lalaking nahuli ay naisip ng dalaga ang cellphone na pinulot.
"Nakukuha n'yo ba ang iniisip ko mga Kuya?" tanong niya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga ito.
"INIISIP MO, GETS NAMIN IYAN," sabayan namang sagot ng lima.
Gotcha!
Eksaktong naikabit nila ang gadget upang ma-trace ang location ng caller anumang oras ay mayroon na ngang tumatawag.
Bossing calling!
"Ikaw ang sumagot, Mckevin. You have a very rare talent in imitating anyone's voice. So you need to pretend as that fellow." Baling dito ni Allen.
"Sablay ko, takpan mo ang bunganga ng talipandas na iyan dahil baka sumiga," saad naman ni Surene sa kasintahan.
Then, when everything set and ready!
"Hmmm, napatawag ka, bossing?" salubong na tanong ni Bryan sa boses na walang mag-aakalang hindi ito ang tauhan.
'Gag* ka, Valdez! Ikaw pa itong may ganang nagtanong! Inutusan ko kayo ng mga kasama mong itumba ang dalawang pakialamera! Ngunit ano'ng ginagawa ninyo ng mga kasamahan mo?!"
Kulang ang salitang malakas upang ilarawan ang boses ng nasa kabilang linya. Kaya naman ay inilayo ni Bryan ang hawak na cellphone.
'F*ck! D@mn you!' Lihim siyang napamura dahil nakakabingi ang boses nito.
"Hmmmmm... Hmmmmm..." ungol ng bihag ngunit kung pakinggang mabuti ay daing ng nasasaktan.
'Hoy, Valdez! Kung nakikipag-landian kayo ng mga kasama mo sa babae ninyo ay huwag na huwag n'yong iparinig sa akin ang ungol n'yo! Nilisan n'yo at sumunod kayo rito sa resthouse ng Dagupan! Siguraduhin n'yong may good news kayong dala-dala!'
Dahil naka-loud speaker ang cellphone ay dinig na dinig na dinig ng lahat ang tinuran nito. Kamuntikan pa nga silang mabuko dahil mapahagalpak ang dalaga. Mabuti na lamang at natakpan ni Artemeo ang bibig nito.
"Boss, may kalayuan ang Baguio at San Juan. Baka maabutan pa kami ng traffic. Ngunit guwag kang mag-alala dahil aabot kami sa birthday mo---"
'Gag*! Sa susunod na buwan pa ang birthday ko. Kaya't huwag mo akong pinagloloko. Basta bilisan ninyo ng mga kasama mo. Dahil kailangan na nating masimulan ang negosasyon sa lupain ng mga Boromeo. Nauunawaan n'yo ba ako?!' Mabalasik pa rin ang boses ng nasa kabilang linya.
"Yes, boss. Huwag kang mag-alala. Darating kami," muli namang sagot ni Bryan na nagkunwaring ang tauhan ng kriminal.
Samantalang sa narinig ay nais magwala si Surene. Kaya naman ay naging maagap si Artemeo.
"Tahan na, Rene. Ngayon pa bang malapit ng magwakas ang kahayupan nila saka ka panghinaan ng loob? Mabibigyan mo na ng katarungan ang nangyari sa kambal mo ay mapalaya mo pa sa takot ang mga risedente ng taga-Barangay Di Matanao Sittio De Makita. Kaya't tahan na."
Pang-aalo niya sa dalagang nagwawala. Mabuti na nga lang at pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag. Dahil kung hindi ay baka nabuko na sila.
"I will kill them all, Sablay! Dahil sa kanila ay kamuntikan pa akong ipakasal nina Mommy at Daddy sa taong hindi ko mahal! Hah! Papatayin ko talaga ang mga hayop!" umiiyak na sambit ni Lampa habang nakayakap sa kasintahan.
Hindi nga alintanang nasa interrogation room sila!
Whatever!
Hawak nila ang kaso kaya't sila rin ang masusunod. Wala naman silang nilalabag na batas.
Kaya naman muling sumabad ang pinsan ng dalaga.
"Huwag kang mag-alala, pinsan. Dahil kagaya ng lagi naming sinasabi ay handa kaming tulungan ka. Count on us, pinsan. At isa pa ay nandiyan naman si Col Aguillar. Diba, bayaw Artemeo?" saad nito.
Kaso sa tinurang iyon ni Allen ay itinulak ni Rene ang kasintahan.
Tuloy!
"Bakit ka ba nanunulak, lampa ko?" may pagtataka nitong tanong.
Kaso hindi iyon pinansin ng dalaga bagkus ay hinarap ang pinsan.
"Pinsan, aba'y noong isang araw pa ka bayaw nang bayaw sa Sablay Dulay ng buhay ko ah. Hah! Kasalan mo kung mag-iiba ang isip at hindi niya ako papakasalan!"
Bipolar ka nga! Bigla na lamang nag-iiba ang ihip ng hangin!
Dahil dito ay muli silang napahalakhak bago nagwika si Bryan.
"Kiddo, bago ka pa dumating dito sa bansa at naging partner ni Artemeo ay kilala na namin siya. Maaring Sablay-sablay literally at tinutukso namin at ng mga kaibigan niya. Subalit masasabi naming hindi na magbabago ang isip niya pagdating sa relasyon ninyo. Kay isang salita iyan, kiddo. Ngunit kung gusto ninyo ay kakasalin ko na kayo para walang problema," pahayag nito.
Dahil sa nga pahayag ng mga superior niya ay hindi na rin napigilan ni Artemeo ang sumabay sa kanilang biruan.
"Gusto ko iyan, Sir Bryan. Pero pagkatapos na lamang ng misyon natin. Dahil kong pakasalan ang mahal kong CLUMSY QUEEN. Ah, ihanda n'yo na rin ang back and forth tickets namin bound to Barcelona Spain para sa honeymoon." Pagbibiro niya.
"Brother, kahit hindi mo sabihin iyan ay gagawin ko. Alam ko namang ganoon din ang mga kululoy na iyan. Sa amin ng Ate Sheryl mo ang tickets ninyo dahil sigurado akong mayroon din silang ibibigay. Huwag mo ng alalahanin ang venue dahil si Sir General na mismo ang nagsabing kayo ang unang ikakasal dito sa Camp Villamor," pahayag ni Roy.
"Nagbibiro lang ako, Kuya---"
"No, Col Aguillar. Seryoso kami ng grupo. Regalo namin iyan sa inyong dalawa. Don't think of anything. We belong to one family." Pamumutol na rin ng hindi makasingit-singit na si Ralph Raven.
Kaya naman!
"Yes na yes mga Kuya and Sir. Hah! Subakan ninyong bawiin ang sinabi ninyo at ipahila ko kayong lahat sa mga tutubi ng mga ungas na kasalukuyang nasa pangangalaga ni Boss Tobby!"
"Sablay ko, huwag ka ng tumanggi. Dahil ang tumatanggi sa grasya ay nanlalo ang mata. Kapag nanlabo ang mata mo ay hindi mo na ako makikita!"
May pera naman siya! Mahubuhay siya kahit hindi magtrabaho. Ngunit hindi niya mapigilan nag sariling magtatalon dahil sa blessings mula sa mga kuya-kuyahan!
Tuloy!
Napakamot na lamang din sa ulo si Artemeo!
"BOSS, hanggang ngayon ba ay wala pa sila? Aba'y ilang oras na ang nakalipas ah. Kahit pa sabihing may kalayuan ang Baguio at San Juan," wika ng isang tauhan ni Montero.
"Ang tagal-tagal nga nila, boss. Natapos na ang tanghalian, snack at malapit na namang dumilim. Pero nasaan nga ba sila?" saad pa ng isa.
Tuloy!
"Maari bang manahimik kayong dalawa? Kung nagugutom na naman kayo ay maraming pagkain sa kusina. Doon kayo magpalipas ng oras. Ang mahalaga ay maitumba nila ang dalawang iyon. Upang masimulan na ang laboratory sa lugar na iyon." Pananaway ni Mr Montero sa dalawang tauhan.
Kahit siya ay nagtataka na rin sa tagal ng mga tauhan niya. Subalit ayaw niyang magpatalo sa takot. Dahil hindi siya naka-survive sa lahat ng mga pinagdanang hirap kung maging losser lamang siya.
Subalit dahil lumipas ang ilang oras o lumaganap na ang dilim at wala pa mga tauhan ay naisipan niyang tawagan ang mga ito.
SAMANTALA nasa kahabaan sila ng daan nang tumunog ang cellphone ng bihag. Kaya naman ay nagkatinginan silang lima.
"Hello, boss," ani Bryan sa normal na boses. Huli na upang baguhin.
'Ano'ng nangyari sa iyo, animal ka at kahit boses mo ay nagbago? Hah! Iyan siguro ang napala mong hayop ka sa maghapon mong pakikipag-churbahan!' galit na sambit ng nasa kabilang linya.
"Boss, huwag ka ng magalit. Practice lang. Malay mo, boss, dahil sa mahiwaa kong boses ay makahanap ako ng magandang chika-babes." Pinanindigan na lamang ni Bryan ang sariling boses. Dahil kung muli niyang iibahin ay baka mas makahalata ang animal!
Presto!
Ang mga sutil ay kaagad ding nakasabay sa daloy ng usapan. Pinatunog ni Roy ang stereo at saktong pumailanlang ang tugtuging maharot. CARELESS WHISPERS.
'Tarantado! Ilang beses ko bang sinabi sa iyong huwag mong iparinig sa akin ang ungol ninyo kapag tumitira kayo?! Hah! O baka naman nakapatong sa iyo sa mismong sasakyan kaya't ayan dinig na dinig ko ang ungol ninyo! Nemal na ito! Bilisan ninyo!' muli ay pahayag ni Mr Montero.
"Malapit na, boss. Bago maglipat oras ay nandiyan ka kami. Sige na, boss, at malapit na ako---"
Hindi na natapos ni Bryan ang pang-aasar sa amo ng bihag. Dahil muli itong dumaing ngunit sa pandinig ng iba ay ungol.
Tuloy!
Pinatayan siya ng tawag nang kausap!
Saka pa lamang nila pinakawalan ang tawa ng pilit pinipigil umalpas dahil na rin sa takbo ng usapan.
Pero iyon naman talaga ang plano nila. They need to stall and bids their time. Upang magkaroon ng sapat na oras upang mapalibutan ng buong team ang building.
Ilang sasakyan din ang ginamit nila. Iyon nga lang ay sila lang ang visible. Nauna na ang iba at nakapuwesto na rin. Dahil hinayaan nilang makapag-solo ang dalawa sa sasakyan ni Col Aguillar at sa isa naman silang anim including their captive.
"LAMPA ko, tandaan mong kahit ano man ang mangyari ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo." Sa kalagitnaan ng biyahe nila ay nanulas ang mga katagang iyon sa labi ni Sablay.
"Mas mahal kita sa inaakala mo, Sablay ko. Oras na rin upang magpasalamat ako sa iyo. Dahil hindi mo ako pinabayaan simula pa noon bago nangyari ang lahat up to the present. Ilang taon na ang nakalipas at alam kong ito na ang tamang oras upang mabigyan ng hustisiya ang kambal ko. Mahal na mahal kita, Artemeo Aguillar."
Humarap ang dalaga sa kasintahan saka kusang inabot ang labi nito at hinagkan. Wala namang masama kung siya ang unang hahalik. Kasintahan naman niya ang hinagkan!
"Sablay man ako sa paningin ng iba, mahal ko. Pero gagawin ko ang lahat para sa iyo. Tama ka, umaasa akong matapos na rin ang problemang ito. Dahil seryoso ako sa usapang kasal, mahal. Gusto kong makasama ka araw-araw sa aking buhay," sagot ng binata saka sinabayan ng kindat!
Hoy! Naglalandian kayong dalawa! Aba'y papunta kayo sa isag operasyon! Kaya't huwag ang maglandian ang inyong inaatupag!
Kaso aksidente namang naapakan ni Artemeo ang preno kaya't nauntog ang dalaga!
Tuloy!
Napasimangot ang dalaga.
"Ayaw mo yata akong pakasalan eh!"
"Sorry naman, mahal ko. Hindi ko sinasadyang maapakan ang preno. Wala akong balak bawiin ang usapaing kasal. Mahal na mahal kita."
"Promise, Sablay ko?"
"Promise, Lampa ko. Peksman mamatay man lahat ang mga epal!"
Dahil dito ay ngumiti ang Lampa ng pagkatamis-tamis na ngiti bago muling hinagkan sa labi ang pinakamamahal na Sablay Dulay ng buhay niya.