"DAMN you, people! Wala na mga kayong magawa sa buhay ay gusto n'yo pa yata kaming patayin!" Ngitngit ni Surene nang may nagpaulan sa kanila ng mahal niyang Sablay Dulay ng bala.
Subalit nagulat naman si Sablay dahil imbes na buksan ang top part ng kotse niya ay binasag ang windshield.
"What's are you doing, Lampa ko?" maang niyang tanong.
"Just keep quiet and focus your attention on the road, Sablay ko. Akin na ang granada. Now na nasa malapit na sila!" tugon nitong hindi man lang siya pinagkaabalahang lingunin o mas tamang sabihing nasa battlefield ito.
Sa tinuran ng kasintahan ay dali-daling inabot ni Sablay ang granada. Sa tulad niyang isang military officer ay lagi siyang handa! Simple lang kotse niya kaya't walang mag-aakalang completo ang armas pandigma sa loob. Laging may lamang granada ang kanyang sasakyan just in case of emergency like now.
Agad tinanggal ni Lampa ang pin ng granada at inihipan pa ito.
"Ibato mo na iyan, Lampa! Aba'y kapag tayo ang madali niyan ay hindi tayo aabot sa kasalan!" malakas na saad ni Sablay sa kasintahang sinipat--sipat pa talaga ang tinanggalan ng pin na granada!
"Ito ang para sa inyong lahat! HAPPY NEW YEAR!" sigaw nito saka sunod-sunod din ang pagtanggal ng pin at pagbato.
Naman, Lampa!
Summer na summer ngunit happy new year ka!
Pero, teka lang! Wait a minute! At makahingi muna ako ng kapeng mainit ng reyna ng mga kape.
Kinikilig ako! Pati mga kulot-kulot kong buhok sa kili-kili at mga patay kong kuku! Ay talaga namang kinikilig!
Ano raw! Papakasalan niya ako! NEYEMAS LANG. Mahal na mahal ko ang Sablay Dulay ng buhay kong ito. Makahalik nga!
"Naman, Lampa! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo eh!" Muling napataas ang boses ni Sablay Dulay dahil basta na lamang siyang pinaghahalikan ng kasintahan.
"I'm just happy, Sablay ko. Dahil sabi mo ay magpapakasal tayo. I'm waiting for that for so long---"
"Darn! Itabi mo, pakner!"
Agad namang nag-preno ang binata saka dinampot ang baril sa dashboard. Sabay silang lumabas sa sasakyan sa kaniyang sasajyan at ikinasa ang hawak na baril ng walang kahirap-hirap.
Agad hinampas ni Sablay ang lalaking akmang tatakas pa kaya't tuluyan itong nalugmok malugmok sa sementadong kalsada.
"Hoy, mamang kriminal! Sino ang nag-utos sa iyo upang tambangan kami?!" malakas na tanong ng dalaga.
Kaso uminit lamang ang bumbunan niya dahil sa isinagot nito.
"Wala kayong malalaman sa akin!" sagot nito.
Maaring kriminal ito sa imahe ng batas at dapat lamang na maparusahan. Subalit tao lang din itong naghahanap-buhay para sa pamilya. Kaya't muli itong tinanong ng binatang military Colonel.
"Brod, magsalita ka na kung gusto mong mabuhay," aniya.
Kaso ganoon pa rin ang sagot. Wala raw silang malalaman dito.
Tuloy!
Nagkabaliktad ba yata ang earth!
Ang reyna ng mga Lampa na ang mainitin ang ulo!
Bigla nitong inapakan ang lalaki sa leeg habang nakatutok dito ang baril! Hindi pa nakuntento. Basta na lamang itong pinatalikod at ang likuran ang inapakan at sinabunutan ang mabantot na buhok!
Ah, whatever!
Mukhang hindi dinaanan ng tubig ang buhok nitong makapal. Kaya't sobrang bantot!
"Hoy, lalaking kriminal! Maiksi ang pasensiya ko. Kaya't hindi ako bibilang. Isang tanong, isang sagot! At siguraduhin mong kaaya-aya ang pagsagot mo sa akin. Dahil kung hindi ay mamamaalam ka na sa mundong ito ng wala sa oras! Sino ang nag-utos sa iyo upang tambangan kami!?" muli ay tanong ng dalaga.
Samantalang naging watch out ang military Colonel. Ito ang nagsilbing tagamasid ng kasintahang nag-eenjoy sa pang-imbestiga sa lalaking mukhang napag-utusan lamang din.
Subalit kagaya sa nauna nilang pagtanong ay wala silang nakuhang sagot.
"Ah, pososan mo, Sablay! Kapag hindi ako makapagtimpi ay mapatay ko ng wala sa oras." Nakatutok man ang paningin ng dalaga sa bihag ay nagawa pa rin niyang nakipag-usap sa kasintahan.
Agad namang sumunod ang binata sa utos ng dalaga. Pero nagulat siya ng napansing umuusok na sasakyan.
"Lampa ko, ano ang ginagawa mo riyan? Halika na! Kailangan nating makaalis bago pa man makatunog ang mga kasamahan ng hayop na iya," ani Artemeo dahil napansin ang kasintahang wari'y may kinakalikot sa kotse ng kawatan!
Presto!
Saktong nakasakay ito sa kotse niya at bahagyang nakausad ng kaunti ay sumabog na ang sasakyan ng mga kawatan.
At ang kawawang bihag ay nagmistula itong paninda na hila-hila ng kotse nila.
Poor captive!
SAMANTALA galit na galit si Mr Montero. Dahil hanggang sa oras na iyon ay wala pa siyang natatanggap na tawag mula sa tauhang ipinadala sa Baguio City upang itumba ang tagapagmana ng mga Boromeo.
"Cuevas, hindi pa rin ba tumatawa sa iyo si Martin sa iyo?" tanong niya sa kapwa naghihintay ng good news.
"Wala pa, Boss. Baka nambabae pa," tugon nito
Kaya naman ay mas uminit ang kaniyang ulo. Wala siyang pakialam kahit sabay-sabayin ng mga tauhan niya ang babae sa buhay nila. Ngunit kapag oras ng trabaho ay talaga namang umaakyat sa ulo ang dugo kapag iyon nag naririnig.
"Ang gag*ng tar@nt@d● ay isiningit pa ang pambabae! Alam namang ayaw na ayaw kong hinahaluan ng kahalayan ang trabaho! Sky is the limit kayong lahat as long as walang trabaho! Puwersahan man o bulontaryo! Hah! Sa aking baril siya mismo mamatay!"
Kuyom na kuyom ang palad habang kulang na lamang ay magtalsikan ang laway patunay lamang na galit siya!
"Boss, hindi naman siguro lingid sa iyong matagal na kaming hindi namumuwersa ng kababaihan. Sila ang kusang lumalapit sa amin. Siyempre, palay na ang lumalapit sa manok kaya't tinutuka namin."
Maaring balak ng isa niyang tauhan na pagaanin ang kaba sa dibdib niya sa pagsagot. Ngunit talagang mainitin ang ulo niya.
"Umalis kayong lahat sa paningin ko! Huwag ninyo akong pinagluluko dahil baka hindi ko kayo matantiya!" aniyang muli.
Still, nagtawanan pa ang mga ito habang papalayo sa kaniya.
Ah, makakalbo niya ang mga ito!
ANG planong date nina Artemeo at Surene ay nauwi sa muli nilang pagbalik sa Camp Villamor. Mas minabuti nilang bumalik sa kampo upang isalang sa kalan este interrogation ang bihag at paaminin kung nasaan ang amo nitong nag-utos na itumba sila.
Kaso!
"Oh, bumalik kayo, bunso, Col Aguillar?" tanong ni Bryan na paalis na sana subalit nakasalubong sila.
"Bayaw, ano'ng nangyari sa iyong sasakyan?" tanong din ni Allen na naulinigan yata ang tinuran ng kaibigan.
Kaso hindi pa sila nasagot ang dalawa ay ay sumabad naman ang isa.
"Who's behind your car, Col Aguillar? It's look like a human creature," saad naman ni Smith.
Tuloy!
Mas nabusangot ang mukha ng dalaga. Aba'y paanong hindi malulukot ang mukha niya samantalang sunod-sunod ang pagtatanong nila! Idagdag pa ang Sablay niyang mahal na nakanganga!
Kaya naman!
"Ano ba? Paano ako makasagot at makapagpaliwanag kung wala kayong tigil sa pagtatanong? Para sa inyong kaalaman ay hindi ako ang isasalang ninyo sa interrogation kundi ang taong nasa likuran ng sasakyan! Ngayon, kung gusto ninyong malaman ang sagot sa mga sangkatutak n'yong tanong ay tara na sa interrogation room!"
Nakapamaywang na nga ay high pitch tone pa!
Naman, Lampa!
Nasa Camp Villamor ka ngunit nagmistula kang big boss!
Ganoon pa man ay sumunod ang anim sa dalagang naunang naglakad patungo sa interrogation room. Kaso huminto naman nang natapat sa kasintahan at umangkla saka tumingala.
"Pakner Col Aguillar, tara na sa opisna ni Sir General. Siya na ang magbibigay ang magbigay ng basbas sa ating kasal este kukunin natin ang warrant of arrest and search warrant upang makalusob na tayo sa lugar na iyon."
"Hah, kayo naman mga Kuya! Lalo na sa iyo, pinsan. Mauna na kayo sa interrogation room susunod kami ng pakner ko pagkagaling namin sa opisina ni General."
"At ikaw naman, Kuya Bryan, huwag mo kaming tingnan ng ganyan. Dahil lumalablayf lang kami. Sabi nga ni General, wala kaming nilalabag na law of protocol."
"Ano ba, pakner! Tara na, dali!"
Ayon!
Ang lampa ay nagmamadali na naman! Huwag sanang madapa lalo at hinila na naman ang kasintahan.
Mapanuksong ngiti naman ang ipinabaon ng limang magkakaibigan. At talaga namang hindi nagpahuli si Roy. Dahil bumulong sa itinuring na kapatid.
"Sure, I will, Sir," sagot pa ni Sablay.
"Sablay! Dalian mo! Aba'y nakuha mo pang makipagbulungan!" Muli ay palatak ng dalaga.
"Humayo kayo at magpakarami!" Pabaon pang kantiyaw ng magkakaibigan na naka-thumbs up pa.