"NANDITO na tayo mga kaibigan. At ito ang simple at munti naming tahanan," ani Lampa sa mga kasama nilang dumating. "Feel at home pa rin kahit kami lang na mag-anak ang nakakakita sa inyo. Pasok na tayo," sabi naman ni Sablay. Subalit dahil sinalubong naman silang mag-asawa ng mga militar o ang bantay ay halatang lumihis ang mga ito. Siniguradong wala silang mabangga. Naisip tuloy nila na ayaw din ng mga ito na mapahamak at mapahiya sila. 'Tama nga sila. Kaming mag-anak lamang ang nakakakita sa kanila,' bulong tuloy ni Sablay dahil sa nakitang reaksyon ng mga kasamang umuwi. "OKAY lang ba kayo ni Ma'am, Sir General? Delayed po kasi kayo ng ilang oras." Salubong ng isa sa mga ito. Sa boses pa lamang nito ay halatado na ang pag-aalala. Sabagay, hindi na iyon nakapagtataka dahil isa it