"GOOD MORNING, Princess. Hmmm... Ang aga mo yata ngayon ah." Masayang pagbati ni Cyrus sa bunsong kapatid. "Mas pogi ka pa sa umaga, Kuya. Sino siya?" labas sa ilong nitong tugon. Oh, no! Wild Princess! Pero hindi na nakasagot si Cyrus dahil naging maagap ang kasintahan. "Hello, Good morning, Miss Princess Queennie. Ako pala si Rowena. Maari mo rin akong tawaging Ate Weng." Nakangiti nitong pagpakilala sa sarili. Ganoon pa man ay ipinakilala ito ng husto. Lalo at alam niya ang tumatakbo sa isipan nito. "Princess, siya ang Ate Weng mo at nobya ko. Mahal, siya naman si Princess Queennie at bunso kong kapatid." Pormal niyang pagpakilala sa dalawa. "Masaya akong makilala ka, Princess Queennie. Ah, maari bang Queennie na lang? Masyadong mahaba eh. At tama ang kuya mo, maganda ka." Inila