"SABLAY ko, ano'ng masasabi mo sa nobya ng panganay natin?" tanong ni Lampa sa asawa. Isang umaga na naghahanda silang mag-asawa para sa pagpasok nila sa Camp Villamor. "Kung sa panlabas ba kagandahan ang tinutukoy mo ay bagay na bagay sila ng anak natin, Lampa ko. Kahit ang ugali ay ganoon din. Ayon sa aking naobserbahan sa ilang araw nilang pamamalagi rito ay hawig na hawig ang ugali nilang dalawa. And lastly, I can say that they are perfectly matched made by God," paliwanag nito saka humarap sa kaniya. Simula naman kasi nagsama silang mag-asawa ay siya ang personal na nag-aasikaso sa mga gamit nito. Kahit nga sa kampo ay siya ang personal secretary. At sa tinuran nito ay unti-unting bumalatay ang ngiti sa kaniyang mukha. "That's it, Sablay ko. Gustong-gusto ko ang katapatan niya. Sa