HINIHINTAY ni Shine si Edward sa coffee house na malapit sa Resto-Bar na pagmamay-ari nito. May importante raw itong sasabihin sa kaniya. Kahit masama ang pakiramdam niya ay pinilit niyang makipagkita rito. Humihigop siya ng kape habang panaka-nakang sumusulyap sa pintuan ng cofee shop. Mayamaya pa ay dumating na si Edward kasama nito si Agent Travis. Tumayo siya habang papalapit ang mga ito. "Kanina ka pa ba naghihintay, Shine?" tanong ni Edward na umupo sa tabi niya. "Hindi naman halos magkakasunod lang tayo. Bakit nga pala kayo magkasama?" tanong niya na nagpapalit-palit ang tingin sa dalawa. "Makikipagtulungan na raw si Edward sa atin para mahuli ang kapatid niya." Tumingin ito kay Edward. "Alam kong mahirap ito dahil kapatid mo si Avery pero kailangan mo itong gawin para na rin sa