HINARAP ni Lot ang asawang si Philip habang nasa terminal sila ng bus. Ipinasya niyang umalis at iwan ito dahil sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala pero hindi siya maaring magkamali dahil narinig niya mula sa mga ito ang lahat. "Lot, makinig ka muna sa akin," nagmamakaawang sambit ni Philip sa harapan niya. Pinahid niya ang luhang umibis sa magkabila niyang pisngi. "Ano'ng kasinungalingan ang sasabihin mo, Philip. Hindi ba sapat ang mga narinig ko mula kay Ma'am Via... na kayo... kayong dalawa, napakahayop mo. Ginamit mo lang ako! Nagsinungaling ka sa akin na may pamilya ka na... mga anak at may asawa ka na. Naglihim ka sa akin, Philip. Kaya pala sa halos sampung taon na magkasama tayo hindi mo man lamang ako nasabihan ng "mahal" dahil iba ang mahal mo! Ginamit mo lang ako para magi