NAKAHARAP si Shine sa salamin ng kuwarto ni Russel habang suot-suot ang white long sleeves nito na hanggang tuhod niya. Nakakita siya sa drawer ni Russel ng mga cycling na halos bago pa dahil hindi pa natatanggal ang mga price tags. Marahil binili iyon ni Russel para sa sarili nito or para sa babae? Umiling si Shine sa naisip. Hindi siya ganoong tao. Tinapik niya ang magkabilang pisngi at sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok na pinakulayan niya ng brown last week mula sa blonde nitong kulay. Muli ay tinignan niya ang sarili sa salamin. Halatang-halata ang mga nakatayo niyang dibdib sa suot niya. Bakat na bakat ang n*pples niya. No choice siya kun'di harapin si Russel na ganoon ang suot niya. Bumaba siya ng hagdan at tinungo ang kusina. Busy si Russel na nagluluto ng omelette at su