PANSIN ni Shine ang pag-iwas sa kanya ni Henry. Simula noong isang araw. Hindi tuloy niya ito maintindihan. Kaya nagpasya siyang kausapin ito mamayang hapon pagkatapos ng kanyang klase. Nag-aalala siya rito baka may problema ito na hindi nito sinasabi sa kanila. Malaki ang ipinagbago ni Henry. Bumalik ito sa dating pagiging seryoso sa mga bagay at pagiging mabuting kaibigan sa kanila nina Vicky. Hindi niya ito narinig na nagreklamo ni minsan. At iyon ang isang pagbabago nito. Iyon ang katangian ni Henry na minahal nito na minahal niya noon. Naguguluhan tuloy siya kung bakit niya hinahanap ang pagiging bully nito sa kanya. Hinahanap niya ang presensya nito sa tabi niya. Ang amoy nito, pagtawa at pangiti sa kanya. Napailing siya habang nakatingin sa blankong papel na nasa harapan niya. "