MATAPOS ang hearing at pagsasara ng kaso ay naging abala si Shine sa pag-aasikaso sa mga bayarin na naiwan ng kanyang Lola Minda. Halos lahat ng napaghatian ng kanyang Papa ay naibayad sa utang ng hacienda. Mula sa mga abono, pataba ng lupa at mga sahod ng mga magsasaka na nangangasiwa sa manggahan. Ang lahat ay binayaran nila. Nakatungo siya habang nakaupo sa veranda. Hindi niya alam ngayon kung magagawa pa ba niyang sahuran sina Manong Jules at Manang Guada sa paninilbihan ng mga itonsa kanya. Sa isang linggo ay nakatakda na ang kanyang pagtuturo sa Magsaysay Elementary School. Maliit lamang ang kanyang sasahurin dahil maraming mga kinakaltas sa sahod ng isang guro. Nariyan ang Philhealth,Pag-ibig at SSS. Binili ng isang business man na kakilala ni Tito Diego ang hacienda ng kanyang