NAGISING siya ng maaga kinabukasan. Araw ng lunes at araw ng unang pasok sa eskuwelahan. Excited si Shine at kinakabahan habang tinitignan ang uniform niyang plantsado, naka-hanger sa may pader. Naroon na rin ang flat dull shoes niyang kulay black. At sling side bag niya na nakapatong sa lamesa. Fully charged ang cellphone niya at nakahanda na ang almusal na inihain ni Manang Guada. Nagbihis siya at saka lumabas sa kuwarto niya. Bitbit ang bag niya. Hindi na siya nag-make up at naglagay na lamang ng light red liptint sa mga labi niya. Naka-clip ang side ng buhok niya. Na hinayaan niyang nakabagsak lamang. Bumuga siya ng malalim bago ngitian sina Manang Guada at Mang Jules. "Aba, ang ganda-ganda naman ng teacher natin," puri sa kanya ni Manang Guada. "Sobrang ganda," segunda naman ni Ma