SUMERYOSO ang tingin ni Russel kay Shine. Naiinis na talaga siya at konti na lang ang pasensiya niya. Kahapon pa siya nagtitimpi kay Henry pero sinasagad na siya nito. Tsk! Ano nga bang pakialam niya sa ginagawa ng dalawa. "I'm here para ibalik sa 'yo ito." Iniabot niya rito ang key chain nito. Nonsense thing pero iyon lang ang sadya niya. Hindi ito nag-angat ng tingin sa kanya pero inilahad nito ang kamay para kunin ang ibinigay niya. "Sus, iyan lang pala ang ibibigay mo? Akala ko pa naman kung ano," nakangising sabi ni Henry. Ikinuyom niya ang mga kamay niya. At pinigil ang sariling suntukin ito. "Sa-salamat dito, Ru--- Mr. Sebastian. Pero kung wala na kayong importanteng sasabihin. P'wede na kayong umalis, lunch time po kasi namin at marami pa kaming gagawin," walang emosyong sa