SUMISIGAW si Suzi habang nasa ibaba iniwan niya itong nanunuod ng t.v kanina sa sala. Nataranta siya kaya iniwan niya ang natutulog na si Feya sa kuwarto nito. Nagmadali siyang bumaba ng hagdan. "Oh God!" Bulalas niya nang patakbong lapitan si Travis na duguan ang damit. Inalalayan ito ng mga kasamahan nito sa serbisyo. "Ano'ng nangyari?" nag-aalala niyang tanong dito nang makalapit siya. "Hindi naman ito mala---" Namasa ang mga mata niya at niyakap ito. "Nakakainis ka talaga!" sabi niya na kaagad din itong binitawan. "Salamat sa paghahatid ninyo, Sir Gonzales at Sir Lapuz." Ikinuyom nito ang kamao at idinikit iyon sa nakayukom na kamao rin ng dalawa. "Magpagaling ka, Agent Travis, siya ang sinasabi mong misis mo?" tanong ng Isa na tinawag ni Travis na Sir Lapuz. "Soon to be, Sir, h