KINAKABAHAN si Russel habang hinihintay niya si Avery sa Fierro Restaurant. Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda at naalala bigla niya si Shine. Ipinalam naman na niya ito kay Travis at nakakatiyak siya na naroonna ngayon ito at nagmamanman sa bahay-bakasyunan niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Avery. Naglakad ito patungo sa kinauupuan niya ng nakangiti. Tumayo si Russel para batiin ito. "Ano bang sasabihin mo, Avery?" agad niyang tanong. "Too fast? Hindi mo ba ako pauupuin muna? Waiter!" Tumawag ito ng waiter at nag-order. "Hindi ba muna tayo kakain, Russel?" nakangiting sabi nito. "Hindi ako gutom." Ibinalik nito ang menu sa waiter at tinignan siya habang nakangalumbaba. "Ano bang pag-uusapan natin, Avery? Susuko ka na ba sa mga pulis? At bakit mo sinabi kanina na magugus