"Sir, I'm sorry to inform you that one of your bodyguard cannot be able to report for work today, may emergency po sa bahay nila at baka hindi po siya makapasok ng ilang araw." Napaangat ang ulo ni Blaine, nilingon niya ang kaniyang assistant. Nakapasok ito sa kaniyang opisina ng hindi niya namamalayan. "Why, what happened, Maureen? Sino ba sa mga bodyguard ko ang tinutukoy mo?" "Si Kuya Lito po, Sir. Na-ospital po ang asawa niya at kinailangang operahan, walang ibang pwedeng magbabantay kasi mga bata pa ang mga anak niya." "Ah, ganu'n ba, okay sige, magpadala ka ng tulong kay Kuya Lito, tanungin mo na rin kung ano ang mga kailangan niya baka kaya nating ibigay, padalhan mo na rin ng mga prutas at pagkain ang asawa niya pagdalaw ninyo sa ospital. Sabihin mo pasensiya na at hindi ako p