Humahangos si Mikaela, nagmamadali siyang lumakad papasok sa ospital. Nabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang asawa, kaya naman iniwan niya ang lahat ng kaniyang trabaho para daluhan ito. Nanginginig ang mga tuhod niya sa labis na takot Ayon sa balita, bumagsak ang mga debris sa ginagawang Montreal Corporation building at nagkataon na naroon si Blaine nang mga oras na iyon. Kahit sinabi ng bodyguard nito na ayos lang ang kaniyang asawa ay hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala. Pagdating sa nurse station ay agad niyang tinanong kung nasaan si Blaine. "Ma'am, si Congressman Montreal po ay nasa emergency room," sabi ng nurse na tinanungan niya. "Huh! Nasaan ang emergency room ninyo rito?" may pagmamadaling tanong niya. "Dito po sa kaliwa, Ma'am, diretsuhin niyo lang at makikita niyo