NGITI ni Leigh ang unang tumambad kay Terron pagmulat niya ng kanyang mga mata. Nakasandal ang ulo nito sa kamay habang pinagmamasdan siya. "Good morning!" magiliw na bati nito. Napalunok si Terron at nakaramdam ng pagkailang bukod dun iilang dangkal lang pala ang pagitan ng kanilang mga mukha. Mas lalo niya tuloy na appreciate ang kagandahan ng dalaga. "M-morning..." tipid niyang tugon at napatitig sa mapulang labi ni Leigh. Para siyang natutuksong halkan ang dalaga pero saglit lang at nag-iwas agad siya nang ma-realize ang kabaliwang iniisip. Bumangon si Terron at lumabas ng tent bago minura ang sarili. "You mean tinamaan kana bro?!" mapang-asar na tanong ni Bright mula sa kabilang linya. "E 'di, tuloy na ang kasal? Bestman ako ha?" Katatapos lang nila mag-almusal ni Leigh nang