"Ang bading mo dude! Pagkatapos mo halkan nagwalk-out ka? Para ka namang katorse anyos na bago pa lang natutong gumamit ng condom eh," walang pakundangang sambit ni Asher. "Sira-ulo!" tugon ni Terron at binato ng gusot na papel ang kaibigan. Halos mamatay naman katatawa si Bright sa may gilid, may paghawak pa ito sa tyan. "Pagbigyan muna Buenavista, first time ma-in love ng kaibigan natin eh," tumatawang sabat ni Bright. "Oo nga first time ma-in love, pero hindi naman first time nakahalik," sagot ni Asher sabay tawa. Napailing siya sa narinig. "Alam niyo kayong dalwa, lumayas na nga kayo dito. Hindi kayo nakakatulong," pagtataboy niya sa mga kaibigan bago binalik ang atensyon sa pinipirmahang kontrata. Tumawa lang naman ng malakas lalo ang mga ito. "Look, dude wag ka ngang asar talo