Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Leigh. Bagot na bagot ang itsura niya habang nasa loob ng patrol car at nagbabantay ng mga sasakyang lalabag sa batas-trapiko. Mahigit isang-linggo na ang lumipas magmula ng i-destino siya sa traffic department. Gustuhin man niyang tumanggi pero wala siyang maggawa dahil 'yon ang utos ng nakatataas. Iisipin na lang niyang pambawi ito mula sa sunod-sunod na absent niya sa trabaho. Isa pa baka matanggal siya sa trabaho kung di niya ito susundin. Again, she blew out a long sigh. Bukod sa literal na nababagot talaga siya sa kanyang lagay ngayon hindi pa siya mapalagay dahil hindi niya ma-contact si Terron. Tinatawagan at tinetext niya ito pero hindi ito sumasagot. Hindi niya tuloy alam kong anong iisipin. Nag-aalala siya at the same time napa