"You're not pregnant Miss Pascual, based on my findings kaya ka nahimatay ito ay dahil sa ma-init na panahon at sa pagpapalipas mo ng gutom." Bumalatay sa mukha ni Leigh ang pagkadismaya sa narinig mula sa doktora. Inaasahan niyang buntis siya... pero hindi pala. Tumingin siya kay Hilary na seryoso lang na nakikinig. "S-sigurado ho ba kayo?" baling niya ulit sa doktora ngunit tanging tango na lang ang naging tugon nito. Tinignan niya uli ito ng ilang segundo at umasang babawiin ang sinabi pero sa dating at pustura ng doktora. Mukhang hindi uso ang salitang joke. Pagkapasalamat ay lumabas na sila ni Hilary ng ob gyne. "Anong plano mo ngayon?" tanong nito. She shrugged. "Dating gawi, balik trabaho." Buong byahe pauwi, naging tahimik lang siya. Magmula kahapon hindi na nawala sa isip