"Why don't you at least talk to her?" "Hindi na," napakalamig ng boses ni Terron habang tuktok pa rin binabasang dokumento. "Ganoon na lang 'yon? Ow man! Bawiin mo yang sinabi mo!" Si Bright. "Anong gusto mong gawin ko? Kausapin? Habol-habulin? Para saan? Hindi pa ba malinaw na ginamit niya lang ako para sa pansariling interes niya?" Hindi niya ikakailang dissapointed pa rin siya sa nalaman tungkol kay Leigh. Nagsinungaling ito! "All right pero ang punto ko mahal mo siya bro!" Natahimik si Terron at hindi agad nakasagot. Pinigilan naman ni Bright ang mangiti habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Pasimple pa itong tumikhim at umubo-ubo. "Kaya please lang bro. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Oo, may naggawa siyang mali sa 'yo pero kailangan mo pa rin siyang kausapin para magkali