Tumulo ang luha ni Leigh nang makarating sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi niya mawari ang sarili at ang kanyang nararadaman. Ang tanging alam niya lang mas nasaktan siya sa ginawang desisyon. Pero iyon naman ang tama hindi ba? Pinunasan niyang muli ang luhang tumulo sa kanyang pisngi, bago siya iang segundo pang napatitig sa mataas na gusaling nasa harap. Ni hindi na talaga siya hinabol habol ng lalaki! Inistart niya ang makina ng sasakyan papunta sa bahay ng kaibigang si Hilary. "Eh, wala naman palang asawa, bakit umalis ka?!" Halos umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ni Hilary matapos maikwento ni Leigh ang nangyari kanina sa condo ni Terron. "Hindi mo dapat ginawa 'yon Leigh!" dugtong pa ni Hilary. "Kumalma ka nga!" suway niya rito habang nakayuko at nagtatanggal ng suot na