"Buong akala ko hindi na matutuloy ang kasal mo." Ngumisi si Wendy sa narinig mula kay Grace. "Ikaw naman Grace, na delay lang pero tuloy na tuloy," sagot ni Wendy. Tumayo siya mula sa pagkakaupo dala ang kupitang may lamang wine. Tumanaw siya sa malaking bubog kung saan makikita ang city lights ng buong Maynila. Nasa opisina siya ngayon ng kanyang mapapangasawa. "You look happy," naiitrigang usal naman ni Grace sa kanya. Actually, tama ito... masayang masaya nga siya dahil malapit na niyang makuha si Terron. Na iimagine na siya ang pagdudusa ni Leigh sa oras na makuha niya si Terron. Poor Leigh! Sisiguraduhin niya ang kabaliwang mararanasan nito! "Well... malapit nako magtagumpay Grace," at tumawa si Wendy na parang baliw, nakakakilabot. SAMANTALA problema ang unang bumungad kay Terr