Lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Pinilit ni Leigh at Terron ang bumangon muli mula sa bangungot na nangyare sa kanila. They continue their lives. Nangako sila sa isat isa na magtutulungan silang maka-move on sa nakaraan. "Hon, thank you," Leigh whispered saka niya dinampian ng halik si Terron sa pisngi at sumiksik sa mga bisig nito. Bukas panibagong araw na naman para sa kanilang dalwa na kinakailangan nilang lampasan. *** LUNES maagang gumising sina Terron at Leigh upang maghanda sa kanilang pagpasok sa trabaho. "Hon hindi ka pa ba tapos dyan?" tanong ni Terron mula sa labas ng kwarto at magbubutones ng suot nitong gray long sleeves. "Hon wait!" nagmamadaling tugon ni Leigh na nagkukuskos ng sabon sa katawan. "Hindi pa plantsado yung coat ko!" dugtong pa ni Terron. "Ilagay mo