"So, anong binabalak mo?" nakangising tanong ng isang lalaki kay Wendy. Ngumiti si Wendy na parang demonyo. "Edi ano pa, sisirain ko sila.Hindi sila magiging masaya dahil akin lang si Terron." Pinakatitigan ni Wendy ang masayang larawan ng pamilya ni Terron kasama ang magiisang taon na nitong anak na si Tyler. Sa nakalipas na mga buwan updated siya sa lahat ng ganap ng dalwa. "Sa birthday ng anak nila, mapuputol na ang kasiyahan nilang dalwa," nakangising sabi ni Wendy habang naiisip ang masamang plano. "You're dangerous!" "Matagal na, dahil alam mo naman pag dating sa pag-ibig nababaliw ang isang Wendy Agassi." Pareho silang tumawa na parang nababaliw. Until now, Wendy can't accept her faith. Na hindi siya para kay Terron ngunit hindi siya papayag. "Well, hindi ko ini expect na