"Tyler!" Napabalikwas ng bangon si Leigh mula sa mahimbing na pagkakatulog. Dalwang buwan na ang lumilipas pero bangungot pa rin sa kanya ang sinapit ng anak nila ni Terron. Bumuhos ang luha sa mga mata niya at napahagulgol ng iyak. "Hon..." Terron called her na kaagad yumakap sa kanya ng mahigpit. "Shhhh. Nandito ako hon." Hinaplos haplos ni Terron ang buhok niya habang hinahalikan halikan. "Si Tyler Terron..." Umiiyak na sambit ni Leigh. Sa halos araw-araw na ginawa ng dyos, walang ibang ginawa si Leigh kundi ang umiyak. Hanggang ngayon hindi nila alam kung buhay pa ang anak nila matapos itong dapkin ng isang malaking sindikato. "Mahahanap natin siya, okay?" Hinawakan siya ni Terron sa pisngi. Iyak lang ng iyak si Leigh. Sa paglipas ng bawat segundo pakiramdam niya mababaliw na siya