ALA-UNA na nang makarating sila Terron sa kanilang unang destinasyon. Ang hanging coffins sa Echo Valley ang isa sa pinakasikat na atraskyong dinadayo ng mga turista dito sa Sagada. "So, ngayon mo palang din ito nakita?" tukoy ni Leigh sa hanging coffins na nasa harap nila ni Terron. "Yes." Terron answered. "Pambihira! Naturingang may rest house ka dito pero never kang namasyal?!" Sa isip-isip ni Leigh, kung siya ang nasa posisyon ng binata, baka nailibot na niya ang sarili sa buong Sagada. Hello, Sagada is one of the best place in the Philippines. Isa itong paraiso kong maituturing. Napaka ganda ng lugar na ito. Sa totoo lang, ang lugar na ito ang isa sa mga bucket list niyang nais puntahan. Ngunit dahil sa hectic niyang schedule sa trabaho, sa pagiging pulis, wala siyang pagkakataon.