MAHIGPIT ang pagkakapit ni Leigh sa braso ni Terron habang bumaba sila ng kweba. Hindi niya inakalang sobrang tarik pala talaga nito at delikado. Pwede kang mamatay anytime kung hindi mo aayusin at hindi ka titingin ng maayos sa iyong aapakan. "Ayos ka lang?" tanong ni Terron nang mapansin ang pamumulta niya. Kahit may tour guide silang kasama. Si Terron ang umaalalay sa kanya paglalakad. Madulas at matulis nga ang mga bato, kinakailangan pa nilang kumapit sa lubid at mga gulong bago dahan-dahang bumaba. "If you can't continue we can go back right now Leigh habang malapit-lapit pa tayo," seryosong sabi ni Terron at bakas sa boses nito ang pag-aalala. Nanuyo ang labi ni Leigh nang matanaw ang bahagi ng kwebang babaan pa nila, mistulang bangin ito at gumagapang na roon ang ilan sa mga ka