“Umuulan ulit sa labas?” antok pang tanong ni Leigh kay Terron. Tumango naman si Terron habang ang focus pa rin nito ay sa harap ng laptop. Sinara niya ang pinto ng kwarto at nag-inat. Pangalawang araw nang maulan sa Sagada kaya tuloy hindi sila makalabas ni Terron para makapamasyal. Wala silang ginawa kundi ang matulog at kumain o kaya manuod ng TV. Kinukusot ang matang, humihikab na lumapit siya sa binata at sinilip ang ginagawa nito. “Ang aga-aga nagtatrabaho ka? Diba no work muna?” Siningkitan niya ito ng mata habang nakapamewang. Bumuntong hininga si Terron at sinara ang laptop saka tumingin. “Happy?” Napangiti siya. “Good morning!” masayang bati niya rito at ginawaran ng halik sa pisngi. “Hoy!” pinitik niya ang daliri sa harap ni Terron, tulalang gulat ang mukha nito at namum