UNANG pinuntahan ni Terron ang bahay ni Leigh kahit alam niyang imposibleng maglagi doon ang babae dahil sa sitwasyon nito ngayon sa magulang. Ngunit nagbakasali pa rin siyang makikita doon si Leigh. "Wala dito ang hinahanap mo," malamig na usal ng ama ni Leigh habang seryosong nakatingin sa kanya, katabi nito ang asawa. "Mauuna na po ako Mr and Mrs Pascual," magalang na tugon ni Terron. Akmang tatalikod na siya paalis ng muli itong nagsalita. "Talaga bang mahal mo ang anak ko?" Napalunok si Terron at dahan-dahang humarap muli. Tumikhim siya at umayos ng tayo saka tumango. Nagtaka ang mukha ni Terron nang sarkasitikong itong tumawa. "Hindi mo alam ang pinapasok mo hiho," sabi nito habang naiiling. Mas lalo tuloy siyang naguluhan. "Tingin mo ba mahal ka rin niya? Hindi mo ba naisip n