LUNES nang umaga pero mainit agad ang ulo ni Terron sa pagchecheck ng update sa hotel niyang pinapagawa sa Makati. "Nasaan ang engineer nito?" Padabog na binagsak ni Terron ang blueprint sa table at saka tumingin sa sekretarya niyang nakayuko. "Sir, nasa site po," sagot ng sekretarya niyang si Grace. "Pakitawag, sabihin mo gusto ko siyang makausap, pumunta siya dito," seryosong saad niya. Agad naman tumango ang sekretarya at mabilis na sumunod. Pagkalabas nito marahas siyang nabuga ng hangin. Uminit ang ulo niya dahil sa kupad ng mga trabahador na nandoon. Magtatatlong linggo na kasi nang simulan ito pero nakarating sa kanya na wala pa rin progress ang ginagawang hotel. Hindi sila sumusunod sa napagusapan! "Sir Terron, pasensya na po pero baka after lunch pa makapunta dito yung engin