After work, imbes na dumiretsong unit sa bar ng kaibigang si Raven nagpunta si Terron para uminom. Pagkapasok pa lang, nakakasilaw at maingay na dance floor ang bumungad sa kanya. Nilampasan niya lang ito nagtungong bar counter at nag-order ng alak. Pagkaupo, tinanggal niya ang suot na coat saka niluwagan nang kaunti ang nektie. Pagod na pagod siya sa maghapong trabaho but he wants to drink. Yung marami... para kahit papaano, pansamantalang makalimutan niya si Leigh. Kahit abala sa trabaho, okupado pa rin kasi ng babae ang isip niya. Napahinga na lang siya nang malalim ng kunin niya ang cellphone para i-check kung may text o tawag ang babae. Dismayadong binalik niya ito sa bulsa pagkatapos dahil wala pa rin itong paramdam. Kinuha niya na lang ang alak na nasa harap at nilagok 'yon.