WALANG kamalay malay si Terron na kanina pa siya palihim na sinusundan ni Leigh. Hindi nga si Leigh nagkamali nang bumaba ang binata sa harap ng isang kilalang condominium na pag-aari nito mismo.
“Desidido talagang takasan ako,” iritang usal ng dalaga at pinark ang sasakyan. Nakailang balik din siya sa bahay nito sa isang exclusive subdivision ngunit napag-alaman niya na umalis na ang binata do'n at binebenta na ang bahay.
Bumaba siya dala ang kanyang maleta. Napatingala si Leigh sa taas ng building na nasa harapan niya. That man, he's really rich!
Sa dami dami nang floors ng building na ito ay mukhang manghuhula pa siya kung saang unit tumutuloy ang binata.
Pumasok siya sa loob hila ang maleta at nagtungo sa front desk.
“Good evening Ma'am,” bati ng staff.
Lihim na napangisi si Leigh nang matanaw si Terron sa harap ng isang elevator.
'Hindi mo 'ko matatakasan runaway groom.' aniya sa sarili bago hinarap ang babaeng staff.
“Kung desidido siyang takasan ka, ikaw naman desididong ubusin ang pera mo!” sabay tawa ni Hilary. Magka-video call sila ngayon sa laptop. Natawa din si Leigh pero sa totoo lang ay hindi na siya natutuwa sa binata.
Literal na nauubos na ang ipon niya mula sa kanyang sweldo bukod dun ay nauubusan na rin siya ng oras at kailangan na niya itong makungbinsi na magpakasal sila.
“Kitmas, hindi ka pa nabuntis niyan ha? Pero kung pagtaguan ka ngayon ay gano'n na lang,” dugtong pa ng kaibigan.
Natahimik naman si Leigh at ginala ang paningin niya sa buong unit. Sa totoo lang ay nangutang pa siya kay Hilary para may ipang downpayment sa mamahaling condominium na ito.
It cost million pesos! Downpayment pa lang 'yun but the good thing is nakuha ni Leigh ang unit na katabi mismo nung kay Terron.
“So, ano ng next step?” nakangiting sabat naman ni Rianne. Ang girlfriend ni Hilary.
Ngumiti siya dahil halos isang buwan na ding magkalive-in ang dalwang ito.
Muli naman sumagi sa isip ni Leigh ang susunod na plano.
Saglit pa nang magpaalam siya sa kaibigan at tumayo sa kanyang pwesto.
“Teka...pa-paanong?”
“Surprise,” nakangising sambit ni Leigh kay Terron matapos siyang pagbuksan ng pintuan.
Nilampasan ni Leigh ang binata at dirediretsong pumasok sa loob ng unit. Hindi niya napigilan mapanganga sa ganda ng unit ni Terron. Well, ano pa nga bang e-expect niya he own this building. So, Terron has the best unit design.
Nasa dinning area na si Leigh nang nilingon niya si Terron at gulat pa rin ang itsura ito. “Still shocked? Runaway groom s***h my neighbor?” Leigh said and smirked.
“What are you doing here?”
“Ganyan mo ba talaga i-wewelcome ang bago mong kapit-bahay? or should I say ang mapapangasawa mo?” sarkastikong wika ni Leigh.
“Damnit! hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo!” Nagulat si Leigh sa biglang pagtataas nito ng boses. Umalis ito at sinundan niya papuntang veranda.
“And you think nakikipagbiruan ako!?” buwelta niya.
“Errr! Okay!” Napahilamos pa si Terron sa mukha at padabog na sumandal sa railings ng veranda.
Terron looked at Leigh directly.
“Now what?!”
“Ano ba talagang kailangan mo Miss! para tigilan muna ko?!”
Miss?
Is she still stranger? Kahit na nagpakilala na siya dito.
“Sino ka ba talaga?”
“Why I have to marry you kahit hindi naman kita na buntis?”
“Well, I'm sorry kung ako ang naging first mo but I want you to understand na pareho tayong lasing noon at kung alam mo lang marriage is a serious matter,
–at hindi ko kaya ibigay ‘yun sa 'yo.”
Hindi nakapagsalita si Leigh. Hindi niya inasahan ang sunod-sunod na salitang maririnig mula kay Terron.
She must be desperate in Terron eyes now pero hindi niya ito masisi dahil hindi naman talaga biro ang kasal na gusto niya.
At kasalanan niya rin kung bakit may nangyare sa kanila. Kung hindi niya lang dinamdam ang break up nila ni Emerson ay hindi siya maglalasing ng gano'n.
Pero huli na ang lahat, she badly needs Terron. Marami na siyang oras at perang nilaan dito at buo na ang desisyon niya magmula pa nung unang beses na magpunta siya sa bahay ng binata, saka na lang ni Leigh iisipin kung paano magpapaliwanag dito pagkatapos ng lahat.
“Wala akong pakialam Mr. Cornett, buntis man ako o hindi may responsibilidad pa rin sa akin,” mariing sambit ni Leigh bago umalis.
NAIWAN naman si Terron na napapangisi habang naiiling.
“She's crazy! I swear!” asar niyang sambit dahil kahit anong paliwanang niya ay mukhang walang mangyayare ang gusto pa rin nito ang masusunod.
Mga ilang minuto niyang pinakalma ang sarili bago muling nag-isip.
ILANG araw nang inaabala ni Terron ang sarili sa kanyang opisina. Ayaw niya munang isipin si Leigh at ang kasal na nais nito kahit pansamantala.
Mayamaya pa ay biglang may kumatok sa labas.
“Sir...” boses iyon ng sekretarya ni Terron.
“Come in,” tugon niya.
Bumukas ang pinto at pumasok ito. “Good afternoon Sir.”
Tumango naman si Terron at napatingin sa dala nitong lunch box.
“May nag-iwan po ulit ng lunch for you from Ms. Pascual sir.”
“S-sige, pakilagay na lang diyan.” Isinenyas ni Terron ang table sa mini salas. Ipinatong naman ito ng sekretarya.
Nang makaalis ito ay napahinga siya ng malalim at tumayo sa pagkakaupo.
Hindi niya alam kung anong gusto iparating ni Leigh. Kinabukasan noong huling beses na mag-usap sila nagsimula itong magpadala ng lunch na may note pa sa kanyang opisina.
Noong una ay hindi niya ito pinapansin dahil baka kung anong gimik lang ito ng dalaga pero sunod na araw he decided na tignan na ang lunch na ipinapadala nito.
Hi Terron, I cooked Menudo ewan ko kung magugustuhan mo pero sinunod ko naman ang procedure na nasa internet. Don't worry walang lason ‘to.
from Leigh.
He found himself smiling at binuksan ang malutuan.
“Effort...” mahinang sambit niya at nagsimulang kumain.
Nasa loob si Leigh ng kanyang sasakyan habang nakatingin sa kanilang tahanan.
Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling pumunta dito.
Makailang beses siyang bumuntong hininga bago muling nagmaneho. Bumusina si Leigh ng ilang beses at pagkuwan binuksan ng guwardiya ang malaking gate.
“Kayo po pala Ma'am, magandang gabi po,” nakangiting bati sa kanya ni Mang Carding.
Nginitian naman ito ni Leigh saka nagpasalamat.
Pagkababa niya ng sasakyan dama niya ang pamamawis ng kanyang mga palad dahil sa kaba.
Naglakad na siya papasok ng kanilang tahanan nang matanaw niya sa living area ang isang babae na abala sa paglalagay ng bulaklak sa vase.
“Leigh...”
“Mama!” agad na tumakbo papalapit ang Mama niya at niyakap siya ng mahigpit.
“Anak, mabuti naman at umuwi kana miss na miss ka na namin ng daddy,” naluluhang sambit ng ginang.
Sasagot na sana si Leigh nang mahagip ng mata niya ang daddy niya na pababa ng hagdan at seryoso ang tingin sa kanya.
Humiwalay sa yakap si Leigh at bumaling sa ama. “D-daddy..”
“Anong ginagawa mo dito?” Bahagya siyang napayuko. Ano pa nga bang aasahan niya?
Sinundan niya ang ama. Iisa lang naman talaga ang pakay niya kung bakit siya nagtungo ngayon dito.
“Magpapakasal na ho ako,” diretsong sabi ni Leigh.
Napahinto ito sa paglalakad at nakangising humarap sa kanya.
“Kanino sa boyfriend mong bakla?” mariin niyang naikuyom ang kamao sa narinig.
“Una pagpupulis mo, pangalwa pagboboyfriend mo ng bakla tapos ngayon naiisipan mo namang magpapakasal?"”
“Talaga bang wala ka ng maggawa sa buhay mo?!” sigaw nito at akmang sasampalin siya.
“Leandro tama na!” pigil ng kanyang Mama. Tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha ni Leigh. Kung may isa man siyang naging tamang desisyon sa buhay niya iyon ang kanyang piniling propesyon ito ay ang pagiging pulis.