LUMABAS ang natural na ganda ni Leigh sa suot na white fitted backless plain dress. Simple lang ito ngunit elegante.
Kapansin pansin ang magandang figure ng dalaga dahil kitang kita ang kanyang likod at umultaw rin ang morena niyang kulay.
Inilugay ni Leigh ang kanyang itim at mahabang buhok. Medyo kinulutan niya lang ang dulo nito at pagkatapos mabilisang make up ang ginawa ni Leigh sa sarili.
“Ma'am, kanina pa po sila naghihintay sa baba. Ipinapatanong po ng daddy nyo kung tapos na kayo?” tanong ng kasambahay mula sa labas ng kanyang kwarto.
“Pakisabi ho pababa na ako,” sagot niya at muling pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sa labi.
****
Mabibigat ang naging hakbang ni Leigh habang naglalakad papasok ng venue kung saan idadaos ang isang launching product.
Hindi si Leigh mapakali dahil ni isa sa mga taong narito ay wala siyang kakilala except sa kanyang parents.
Sa totoo lang Leigh never know the reason why her father brings her here kahit alam naman nitong ayaw niya talaga sa mga ganitong klaseng ganap lalo na ang usapang business. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka.
Habang lumilipas ang oras, She felt bored. Natotoxican rin siya sa buong lugar. Actually, noong isang araw pa sana si Leigh nakauwi at nakabalik sa kanyang trabaho pero dahil sa pagpupumilit ng Mama niya napilitan siyang mag-stay sa kanilang bahay at sumama sa event na ito.
Biglang sumagi sa isip niya si Terron. Ilang araw na siyang hindi nagkakapagpadala ng lunch sa opisina nito. Nakakatawa lang dahil todo effort siya sa pagluluto para sa binata.
Ito kasi talaga ang plano niya, to make Terron feels na seryoso siya sa pagpapakasal. Mabuti na lang ay suportado siya ni Hilary at ng girlfriend nito, duon kasi si Leigh nagluluto dahil malapit lang ang bahay na tinutuluyan ng mga ito sa presintong pinagtatrabahuhan niya.
Kanina pa nagsimula ang event pero wala si Leigh pakialam. Iniwan siya ng magulang niya sa table para makipagusap sa business partners ng mga ito.
Napahinga siya ng malalim at ilang sandali pa ay naisipan niyang tumayo sa pwesto. Pumukaw sa kanya ang isang mahabang table kung saan matatagpuan ang iba't-ibang klase ng alak na libre mong matitikman. Luminga-linga siya sa paligid ngunit abala ang lahat kaya hindi na siya nagdalwang-isip na lumapit sa table.
Napangisi si Leigh matapos mapansin na puro wine pala ang alak, hard drink pa naman ang hilig niya pero di bale na atleast mayroon na siyang pagkakaabalahan habang nagpapalipas ng oras.
She started to taste the first glass of wine. Tila juice lang kay Leigh kaya naman dirediretso lang siya sa pag-inum. Hindi niya pinansin ang ilang guest na napapatingin sa gawi niya. Mind your own business ika nga. She drink the second glass, the third, fourth, fifth, six, seven, eight.
“Anong klaseng wine ‘to?” pungay pungay niyang tanong sa sarili at bahagyang natawa.
“Infairness ha, ang sarap,” dugtong pa ni Leigh at muling nagsalin sa baso.
Iinumin na niya sana ito ngunit may biglang umagaw ng baso niya at diretsong nilagok ito.
“Anak ng...” Inis niyang baling sa umagaw ng baso niya.
“Balak mo talagang ubusin ‘yan?” seryosong tanong ng lalaking na nasa harap niya ngayon.
Pinilit niyang aninagin ang mukha nito pero talagang nanlalabo ang mga mata niya bukod dun ay nakakaramdam siya ng pagkahilo.
“A-ano bang pakialam mo? Wine lang ‘to,” sagot ni Leigh, Oo nga't wine lang ito pero hindi niya maintindihan kung bakit tila tinamaan siya.
“Hindi lang basta wine ‘yan,” sagot pa ng lalaki habang nakatitig. Pamilyar ang boses kay Leigh pati na rin ang built ng katawan lalo na ang mabango nitong amoy.
“Wine man ‘to o hindi, basta iinum ako,” nakangising sagot niya at inagaw ang baso dito.
“Woman, look at yourself, lasing kana.” Itinuro pa siya ng lalaki.
Napapikit si Leigh sa inis. Sino ba ‘to? at hindi na lang umalis? Kung kausapin siya kala mo magkakilala sila?
And he called her Woman? Iisa lang naman ang tumatawag sa kanya ng gano'n at impossibleng nandidito ‘yun.
'Lasing na nga yata siya.'
“Kung ako sa ‘yo Mr. P samahan mo na lang ako pag-inum. Sayang ‘yung mga alak oh, walang pumapansin.”
“What? Mr. P?” kahit nanlalabo siya alam niyang nakakunot ang noo nito ngayon.
Nginitian ni Leigh ang lalaki. “Oo, Mr. Pakialamero.”
“Terron bro! kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.” pareho silang napalingon sa isang lalaking mahaba ang buhok at naglalakad papalapit.
Mistulang binuhusan naman ng tubig si Leigh matapos marinig ang pangalang iyon saka niya unti-unting nilingon ang lalaking katabi niya.
Walang iba kundi si Terron.
“T-terron...”
“Hi, cutie I mean...lady.” Nabaling ang atensyon ni Leigh sa lalaking tumawag kanina kay Terron.
Napatingin siya ng maigi sa lalaki. Mahaba ang buhok nito at nakabun. May lahi ang itsura nito at hindi niya makakailang gwapo kagaya ni Terron.
“I'm Asher Buenavista and you are?” nakangiting sabi nito at nilahad ang kamay.
Sasagot na sana si Leigh pero biglang sumingit si Terron at hinawakan si Asher sa braso.
“Let’s go Asher!” seryosong sabi ni Terron at hinila na ang kaibigan paalis.
“Sige, cutie! Bye!” tumatawang paalam ni Asher at kumindat.
Saglit pang nilingon siya ni Terron. Kumurap-kurap naman si Leigh at napalunok. Totoo talaga, ayun si Terron.
“Bakit ko nga ba nakalimutan na businessman ang lalaking ‘yon!” natatawang wika ni Leigh at ininum muli ang baso ng alak na hawak niya.
***
“Hey! Easy lang dude!” natatawang sabi ni Asher kay Terron.
Binitawan naman siya ni Terron ngunit seryoso pa din ang itsura nito. Napangisi tuloy si Asher sa kaibigan kasunod nito ang kalokohang pumasok sa isip niya.
“I like her,” sabi ni Asher dahilan para mapatigil si Terron at dahan dahang nilingon siya.
“W-what?” tugon ni Terron, sa isip-isip niya ay umiiral na naman ang pagka-playboy ng kaibigan.
Ngumiti si Asher at lumapit ng kaunti sa kanya. “Type ko siya.”
Napailing si Terron sa narinig. “Lahat naman type mo,” wika niya dito at muling na unang maglakad. Hindi naman niya masisi ang kaibigan dahil maganda si Leigh. At sa lahat ng playboy na nakilala niya si Asher na siguro ang Hari dahil kahit sinong babae pinapatulan nito.
“Hey! dude I'm just kidding,” tawang tawa pa din si Asher na humabol sa kaibigan at umakbay.
“Asshole,” tugon ni Terron.
“Ang seryoso mo dude! Anyway, sino ba siya?” tanong ni Asher.
“She's Leigh Pascual,” tipid na sagot ni Terron.
“Oh! Interesting. Sa tingin mo dude may boyfriend na siya?”
“She's taken.” Hindi alam ni Terron kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig niya. Maybe, to stop Asher for asking?
Muling sumagi sa isip ni Terron ang dalaga. Hindi ito nagpakita sa kanya ng ilang araw at bigla rin nahinto ang pagpapadala nito ng lutong lunch sa kanyang opisina. He didn't expect to see Leigh her.
Kanina habang nakikipag-usap siya sa ilang investors ni Greyzon sa Wine Industry, naagaw ni Leigh ang kanyang atensyon. She's stunning kahit sino ay mapapahinto at mapapatitig sa dalaga. And yeah, Terron admitted na isa na siya sa mga taong ‘yon.
Hindi niya rin maiwasang matawa ng sundan niya ng tingin ito kanina, Lumapit ito sa mga wine na nasa table. Kinagulat niya pa, ang walang habas na pag-inum nito ng alak. She's like a guy kung uminum, her way and actions at hindi bagay sa suot niya ngayon.
“Boyish...” mahinang usal ni Terron at napailing.
Marami tuloy tanong ang pumasok sa isip niya, katulad ng negosyante rin ba ito? kaso ng ano? ng baril?
That gun! Naalala na naman niya. Hindi siya pwedeng magkamali na may baril siyang nakita noon sa dalaga.
Napahinga si Terron ng malalim. “Sino ka nga ba Leigh Pascual?”