Naalimpungatan si Leigh nang may maramdaman siyang brasong papulupot sa bewang n'ya. Pagkalingon n'ya sa tabi ay sumalubong ang kanyang kilay nang makita si Terron. "T-Terron?" usal niya. Hindi sumagot si Terron dahil gumalaw lang ito at siniksik ang sarili sa kanya. Para itong linta sa pagkakayakap! Mahinang napamura si Leigh at sinubukan alsin ang braso ni Terron ngunit mas humigpit lang lalo ang pagkakayap nito. Malalim siyang napahinga saka muling bumaling dito at napatitig. Sa sandaling 'yon bigla siyang napaisip. Leigh started to think what if's. Hanggang sa kung paano nga ba sila humantong ni Terron sa ganitong sitwasyon. At kahit alam n'yang galit siya dito, hindi ni Leigh itatanggi ang panghihinayang na nararamdaman, para sa kanila. Pero tapos na 'yon, nangyare na ang nangy