"Alam na ni Chief na buntis ka kaya pumayag muna siyang magleave ka. Si Morales muna ang hahawak sa mga assignment mo," balita ni Hilary kay Leigh. Marahas na bumuga ng hangin si Leigh at nakasimangot na pinagpatuloy ang pagkain ng suman at sinawsaw n'ya ito sa patis. Samantala nandidiri naman si Hilary na pinagmamasdan siya "Lintik! na paglilihi yan prads! Kadiri!" natatawang usal ni Hilary at umupo sa kaharap niyang sofa. "G*ga, pag nabuntis ka maiintindihan mo rin ako," buwelta n'ya. Umastang masusuka si Hilary kaya natawa naman siya dahil mukhang ewan ang itsura nito saka n'ya ito pabirong inirapan. "Oh, bakit nalungkot ka bigla?" biglang tanong nito sa kanya. Muling marahas siyang huminga. "Punyeta kasi ang dami kong utang tapos tengga pa ako ngayon dahil buntis ako," problemado