"You're so unfair! How could you do this to me?!" Umalingawngaw ang boses ni Wendy sa office ni Terron matapos n'yang diretsahang sabihin dito na tatanggalin na n'ya ito bilang Head Engineer ng pinapagawa n'yang hotel dahil nakapag-hire na siya ng bagong papalit dito sa tulong na rin ni Greyzon. "I'm sorry Engr. Agassi but I have to do this," baliwalang sabi ni Terron at pumirma sa tsikeng hawak. Pinunit n'ya ito pagkatapos at nilahad sa harap ni Wendy. "Here's your payment kagaya ng pinirmahan mo sa kontrata." "Damn you!" sabay hampas nito sa dibdib n'ya sa sobrang galit. "You're making me feel trash Terron! How dare you! Itong tatandaan mo! Ito ang pinaka malaking hakbang ang ginawa mo! I will make your life miserable! Hinding hindi ko kayo titigilan ni Leigh! At hindi kayo magiging