“Welcome home to me.” bulong ko, nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng condo ko. Muling kaming bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang mga masasayang alaala namin ni Lance. Pumasok si Jack sa loob ng condo at pinuntahan niya ang agad ang dating kuwarto niya. Umupo naman ako sa sofa at pinagmasdan ang paligid. Ilang taon kaming wala rito sa Pilipinas at sa loob ng ilang taon na wala kami ay inaalagaan naman ito ng maayos ni Thesa. Si Thesa ang pinagkatiwalaan ko para alagaan ang condo ko. "Mommy!" Tumayo ako para lapitan si Jack. "Ano 'yon anak?" "Mommy, tingnan n'yo po ito." Tinaas niya ang hawak niyang pillow na may design na one piece na anime. "Ito po ang dahilan kung bakit gusto kong bumalik dito. Hindi ko kasi nadala sa Amerika." Tipid akong ngumiti. "Mukha pa rin siyang b