ILANG-BESES akong bumuntunghinga bago ako lumabas ng kotse. Nasa harap na ako ng malaking gate ng malaking bahay namin. Mahigit anim na tao na akong hindi umuuwi sa bahay namin mula ng sinunod ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng pindutin ko ang doorbell. Ilang saglit pa ay lumabas ang isang katulong. “Sino ang kailangan n’yo?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya . “Hi! Nand’yan ba si Linda?” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. “Sino po sila?” “Pakisabi ako si Jane.” Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang pangalan ko. Marahil ay kilala niya ako sa pangalan. “Sandali lang po at tatawagin ko siya.” Sabay sarado niya ng gate. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay akong lumabas si mommy. Hindi ko alam kung anong