“Ready ka na ba sa date n’yo ni Lance?” ani Bella. Bumuntonghininga ako. “Bakit kailangan sa malayo kami mag-date? Puwede naman dito na lang sa bahay.” “Kaya nga date, kayong dalawa lang ang magkasama.” Sabay taas niya ng kilay. "Akala ko ba kaibigan ko kayo bakit gusto n'yo akong maging third party?" Sinuklay ni Bella ang buhok ko habang nakangiti siya. "Kaibigan ka namin kaya ginawa namin ang lahat para maging masaya ka." "Pero mali ang ginagawa n'yo" Ngumiti si Bella. "Balang araw magpapasalamat ka sa amin dahil naging kunsitidor kami sa iyo." "Jane, naubos na ba ang kalandian mo at natatakot ka na kay Lance?" ani Thesa. Hindi pa rin siya nagpaawat sa shanghai kahit mula kagabi ay marami na siyang kinain. "Kayo muna ang bahala kay Jack." "Huwag kang mag-alala mabait naman si